^

Punto Mo

PNP, may bagong roadmap sa war on drugs!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI na mauulit ang palpak na drug war ni Tatay Digong kung saan libu-libo ang namatay, sa ipapairal na 5-year human rights based roadmap ng Philippine National Police sa pagsawata ng droga sa Pinas. Inamin ni PNP Drug Enforcement Group director Brig. Gen. Eleazar Matta na ang pagkakamali ng deadly drug war ni Tatay Digong ang nasa isipan nila nang isalang nila ang PNP roadmap. “We are building on lessons learned, focusing on precision, accountability, and respect for human dignity,”  ani Matta. Ang inayos na roadmap laban sa droga ay hindi lamang enforcement, kundi kaakibat ang prevention, partnership at pagbuo ng ligtas at malusog na kapaligiran para sa mga Pinoy. “Together, we will end the scourge of illegal drugs through a united, ­compassionate, and rights-based approach,” ayon naman kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil.

Binago ng PNP ang kanilang estratehiya sa kampanya laban sa droga dahil sa kontrobersiya na dulot ng war on drugs ni Tatay Digong na naging dahilan sa patuloy na pagkawatak-watak ng mga Pinoy. Naging paksa pa ang drug war ng Senate at House hearings at sa tingin ng mga kosa ko, matagal pa bago mabaon ito sa limot. Siyempre, ang PDEG ni Matta ang mangunguna sa pagpatupad ng roadmap na ang ending ay kasabay sa pagtatapos ng termino ni President Bongbong Marcos sa 2028. “This roadmap embodies a clear, strategic direction that aligns with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s call for a humane and effective approach to solving the drug problem,” ani Marbil. Tulad ng kautusan ni BBM, magiging bloodless at human rights based ang bagong estratehiya.

Inamin naman ni Marbil na maging ang kapulisan ay apektado ng deadly drug war ni Tatay Digong at nagdusa ang mga ito dahil hindi sila tinulungan ng huli tulad ng ipinangako niya. Ayon sa records ng PNP, may mga pulis na namatay, nakasuhan, at ang iba naman ay nadismis at ang naiwang tulala ay ang kani-kanilang pamilya. Sa House hearing noong Miyerkules, naglaan si Tatay Digong ng P1 milyon at nangakong pangungunahan ang fund raising campaign para tugunan ang pangangailangan ng mga na-displace na pulis sa kanyang drug war.

Ang roadmap ay brainchild ni Matta at iiwas nito ang mga pulis sa kapahamakan.
“The mission is clear: to conduct intensified operations, ensure successful prosecution, and foster public awareness on the harmful effects of drugs in close partnership with our communities. This is not merely a policing effort but a holistic approach aimed at achieving a drug-free Philippines by 2030,” ayon kay Marbil. Ngayong 2024, ang isasalang ng PDEG ay ang foundation at early action, sa 2025 ay ang strengthening enforcement, expansion at community engagement sa 2026, scalling successful programs and monitoring impact sa 2027 at sa 2028 at ang integrated law enforcement system. Hindi naman masyadong ambitious itong roadmap ni Matta. Kaya lang sa pagtatapos pa ng termino ni BBM malalaman kung matagumpay o hindi ang roadmap na ito.

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with