^

Bansa

Renewal ng 25 taong prangkisa ng Meralco, pasado na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Renewal ng 25 taong prangkisa ng Meralco, pasado na sa Kamara
Sa botong 186-7 at apat na abstention, pormal na pinagtibay ang House Bill (HB) 10926 para sa renewal ng ­karagdagang 25 taon sa prangkisa na ibinigay sa Meralco, ang nangungunang electric company sa bansa sa ilalim ng Republic Act 9209.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang panukalang batas na nagpapalawig pa sa prangkisa ng Manila Electric Company ­(Meralco).

Sa botong 186-7 at apat na abstention, pormal na pinagtibay ang House Bill (HB) 10926 para sa renewal ng ­karagdagang 25 taon sa prangkisa na ibinigay sa Meralco, ang nangungunang electric company sa bansa sa ilalim ng Republic Act 9209.

Ang RA 9209 ay nagkakaloob sa Meralco ng prangkisa para magtayo at mag-operate at panatilihin ang distribusyon sa sistema ng electric power sa mga end users nito sa mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal gayundin sa mga lungsod at munisipalidad saka mga Barangays sa Batangas, Laguna, Quezon at Pampanga.

Nilalayon ng nasabing bill na bigyan ng mandato ang Meralco na mag-operate at panatilihin ang pagiging superior o pangunguna nito sa distribusyon ng pasilidad, lines at sistema sa serbisyo ng elektrisidad sa progreso ng siyensa at teknolohiya.

Kabilang sa may-akda ng panukalang batas sina Reps. Joey Sarte Salceda, Gus ­Tambunting, Rufus Rodriguez, Lord Allan Velasco, Kristine Singson-Meehan, Mercedes Alvarez, Marcelino Libanan at Johnny Ty-Pimentel.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with