^

Probinsiya

ABC prexy, 2 pa todas sa ambush sa Ilocos! ,

Joy Cantos, Doris Franche-Borja, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
ABC prexy, 2 pa todas sa ambush sa Ilocos!  ,
Dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina ABC President at Barangay 6, San Juan Bautista Chairman Mark Adrian Paguirigan Barba, 39; Raffy Ulep, 39 at driver na si Lord Wayne Gian Menor, 42.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) sa San Nicolas, Ilocos Norte at dalawa pang kasama nito matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin kahapon ng madaling araw sa San Guillermo ng nasabing lalawigan.

Dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina ABC President at Barangay 6, San Juan Bautista Chairman Mark Adrian Paguirigan Barba, 39; Raffy Ulep, 39 at driver na si Lord Wayne Gian Menor, 42.

Sa report ng San Nicolas Police Station, nangyari ang pamamaril bandang alas-2:45 ng madaling araw sa Barangay 22 ng San Guillermo, San Nicolas, Ilocos Norte.

Lumilitaw na sakay ang mga biktima ng Toyota Innova na may plakang NDA-8116 na minamaneho ni Menor nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek.

Dahil dito, nawalan ng kontrol si Menor sa manibela hanggang sa bumangga sa isang Toyota Fortuner na nakapara sa highway.

Nagtamo ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong biktima na isinugod pa sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Nakakuha ng Scene of the Crime Operatives  (SOCO) ng 40 basyo ang bala sa crime scene.

Kinondena naman ni San Nicolas, Ilocos Norte Mayor Miguel Hernando ang pamamaslang kasabay ng kautusang tutukan ang kaso upang mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.

vuukle comment

ABC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with