^

PM Sports

Losing skid tatapusin ng UST

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais ng University of Sto. Tomas na kalsuhan ang two-game losing skid kontra tigasing Ateneo de Manila University sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament sa UST Quadricentennial Pavilion.

Tangan ang 4-5 karta, nasa pang-apat sa team stan­dings ang Grow­ling Tigers, habang nasa pang-pito ang Blue Eagles.

Magtutuos ang dalawa ngayong alas-12 ng tanghali.

Natisod ang UST sa unang dalawang laro nila sa second round kaya tiyak na determinado ang mga ito na makuha ang pa­nalo at mapalakas ang ka­pit sa Magic Four.

Ibabangga ng Grow­ling Tigers sina Forthsky Padrigao at Nic Cabañero para masikwat ang panalo.

Nagtala si Cabañero ng 23 points, habang 15 markers ang kinana ni Padrigao nang matalo sila sa defending champions De La Salle University, 87-94, sa overtime.

Pakay naman ng Blue Eagles na duplikahin ang panalo nila upang ma­nati­li ang tsansa nilang ma­kasama sa Final Four pagkatapos ng 14-game double round robin.

Nasa seventh place ang Ateneo (2-6 karta).

Samantala, pakay ng La Salle na pahabain ang ka­nilang winning streak sa anim pagharap nila sa Adam­son ngayong alas-3:30 ng hapon.

 Sasandalan muli ng Green Archers si reig­ning Most Valuable Player Kevin Quiambao para masikwat ang inaa­sam na panalo at palakasin ang kapit sa tuktok ng liderato.

Tangan ng Green Archers ang 8-1 record para manguna sa standings.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with