^

Bansa

Pangulong Marcos, Leni Robredo muling nagkita

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, Leni Robredo muling nagkita
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. shakes hands with former vice president Leni Robredo and former senator Bam Aquino after the inauguration of Sorsogon Sports Arena on October 17, 2024
Photos courtesy of MPC

MANILA, Philippines — Nagkita kahapon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Vice-President Leni Robredo sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena.

Si Robredo at dating senador Bam Aquino ang sumalubong sa Pangulo kung saan agad silang nagkamayan bilang pagbati.

Dumalo rin sa inagurasyon si dating Sorsogon governor at ngayon ay Senate President Chiz Escudero at sinabi na inimbita niya si Robredo para i-welcome si Marcos sa ngalan o kinatawan ng Bicol region.

Sa pahayag naman ni Marcos, sinabi nito na mahalaga ang pagkakaisa para maabot ang maayos na pamamahala kahit na mayroong pagkakaiba sa paniniwala at opinyon.

Kung magbubuklod aniya ng iisang hangarin ay maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat isang filipino.

‘’Kaya naman umaasa ako sa suporta ng mga Pilipino. Sa tulong ninyo, alam kong makakamit natin ang mga hangarin natin para sa ikauunlad ng bansa,’’ ayon pa kay Pangulong Marcos.

Matatandaan na 2016 ng matalo ni Robredo si Marcos sa vice presidential elections sa pamamagitan ng 263,473 na boto kaya kinuwestyon ito sa Korte Suprema ng huli.

Pinagtibay naman ng Supreme Court ang pagkakapanalo ni Robredo noong 2020.

Muling naglaban ang dalawa nitong 2022 presidential elections kung saan nanguna at nanalo si Marcos.

FERDINAND MARCOS JR.

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with