^

Metro

Chinese dinukot ng 4, niratrat sa dead-end!

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese sales executive ang dinukot ng apat na kapwa Chinese sa Mandaluyong City saka siya itinapon at pinagbabaril sa Brgy. Diezmo, Cabuyao City, Laguna, kamakalawa ng hapon.

Ang kidnap-victim ay kinilalang si Ling Yu Bin alyas “Ling”, 34 anyos, isang hotel sales executive ng Centrum North, at residente ng Acuato Tower, Mandaluyong City.

Agad na dinala sa Cabuyao Medical Center si Ling pagkatapos ay inilipat sa Makati Medical Hospital dahil sa mase­lang kalagayan.

Sinabi ni Lt. Col. Rexpher Gaoiran, hepe ng pulisya ng Cabuyao City, ang biktima ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital at bantay-sarado ng lokal na pulisya para sa pag-iingat sa seguridad.

Sa salaysay ng biktima sa mga pulis, siya ay kinidnap habang siya ay nagmamaneho ng kanyang kulay itim na kotse na BMW X5 na may plate number 6149 na kulay itim ng apat na hindi pa nakikilalang kababayan sa Mandaluyong City.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang sakay na ang biktima sa behikulo kasama ang apat na suspek nang magkamali sila ng direksyon at makarating sa Cabuyao City at nasa dead-end sila ng Barangay Diezmo, nitong Martes ng alas-4 ng hapon.

Dahil dito, nagpasya ang mga kidnaper na ilaglag na lang ang biktima, saka siya pinagbabaril bago sila tumakas patungo ng Pulo Northbound, Cabuyao City, Laguna, tangay ang kotse ng biktima.

Sinabi ni Gaoiran, kasalukuyan na nilang sinusuri ang video foo­tage ng close circuit tele­vision camera (CCTV) na naka-install para sa back-tracking investigation malapit sa ilang lugar bago at pagkatapos mabaril ang biktima na iniwan sa nasabing lugar.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with