^

PM Sports

Green Archers, Maroons bumandera sa first round

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng first round eliminations ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament ay magkasalo top spot ng team standings ang defending champions De La Salle University at last year’s runner-up University of the Philippines.

Tangan ng Green Archers at Fighting Maroons ang parehong 6-1 record kasunod ang University of the East Red Warriors na may 5-2 karta, habang nasa pang-apat ang University of Sto. Tomas Growling Tigers na tangan ang 4-3 baraha.

Matapos ang pitong salang ay nanguna ang La Salle, UE at UP sa points, free throws at fastbreak points, ayon sa pagkakasunod.

Nakapagtala ang Green Archers ng kabuuang 529 ponts mula sa average na 75.57 points per game.

Ang Red Warriors ay may 95 points at may average na 22.29 points per game.

Inirehistro naman ng Fighting Maroons ang 81 fastbreak points at may 11.57 points average per game.

Nasa magic four ang La Salle, UP at UE at kung sakaling magpatuloy ang kanilang magandang laro ay malaki ang tsansang makapasok sa susunod na phase.

Para sa UST, sila naman ang nangingibabaw sa two-point field goals at perimeter points matapos ilista ang average 49.43% at 31.0 points per game.

Bumabandera rin ang Green Archers sa assists at steals department mula sa mga averages na 21.14 at 8.14, ayon sa pagkakahilera.

Samantala, nanguna si La Salle star forward Kevin Quiambao sa two-point at three-point percentage. 

 

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with