^

Police Metro

COC ni Guo tatanggapin pero kailangan ng TRO – Comelec

Mer Layson - Pang-masa
COC ni Guo tatanggapin pero kailangan ng TRO – Comelec
This photo taken on July 19, 2024, shows a poster showing support for Bamban Mayor Alice Leal Guo in Bamban, province of Tarlac. Scam centres have mushroomed across Southeast Asia, with crime syndicates luring, kidnapping or coercing workers into predatory online activity, and raking in billions of dollars.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Kung naisa maipagpa­tuloy ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang kanyang reelection bid ay kailangan nito ng temporary restraining order (TRO).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, tatanggapin nila ang ihahaing certificate of candidacy (COC) ni Guo para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Gayunman, babala ni Garcia, maaari pa ring madiskuwalipika si Guo kung hindi siya makakakuha ng TRO.

Ipinaliwanag ni Garcia na may sapat na basehan upang madiskuwalipika si Guo sa pagtakbo sa eleksiyon.

Kabilang aniya dito ang deklarasyon ng pagi­ging nuisance candidate, petisyong humihi­ling na makansela ang kanyang COC dahil sa edad at citizenship, at ang desisyon ng Office of the Ombudsman na ipatupad ang perpetual disqualification mula sa paghawak ng puwesto sa pamahalaan.

Si Guo ay nahaharap sa kasong graft, qualified human trafficking, money laundering, at tax evasion dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa Philippines Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang bayan at kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with