^

Metro

Reelectionist Mayor Sandoval, Trillanes naghain ng COC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling sasabak sa pagka-alkalde si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval habang susubukan ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang local position sa Caloocan City sa hiwalay na paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Commission of Elections (Comelec).

Suot ang signature color blue, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si Sandoval sa pagkaalkalde sa Comelec Robinson’s Mall sa Malabon kahapon.

Kasama ng mayora ang kanyang asawa na si dating Congressman Ricky Sandoval na muling susubukang makabalik sa Kongreso bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon.

Ayon kay Sandoval, tuluy-tuloy ang mga programa at mga proyekto sa Malabon upang tuluy-tuloy din ang pag ahon ng Malabonians kabilang dito ang pabahay, edukasyon, kalusugan at isyu sa baha.

Samantala, halos mag-alas-11 na ng tanghali kahapon nang maghain ng kanyang COC si Trillanes sa pagka-mayor ng Caloocan.

Ayon kay Trillanes, sakaling mabigyan ng pagkakataon, wawalisin niya ang korapsyon sa lungsod at ipaparamdam sa mga taga-Caloocan ang tunay na serbisyo sa bayan, katapatan at integridad. Tatakbo namang vice mayor ni Trillanes si da­ting 3-term councilor PJ Malonzo.

vuukle comment

JEANNIE SANDOVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with