^

Dr. Love

Tatay na naging kasambahay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Sernan. Simula ng nag-high school na ang aming tatlong anak, hindi na kami tumanggap ng kasambahay. Anticipated namin na ang aming mga anak na ang tutulong sa amin sa mga gawaing bahay.

Pero iba ang nangyari, mas lalong nahirapan kami ngayon dahil ayaw nilang paistorbo sa pag-aaral.  Ako tuloy ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Ako ‘yung tatay pero naging parang kasambahay.

Hindi ko naman mautusan ang misis ko dahil pare-pareho kaming galing sa maghapong aral at trabaho.  Gusto ko sanang kumuha uli ng kasambahay dahil doble ang pagod ko. Pag-uwi sa bahay, magluluto at minsan maghuhugas pa ng pinggan. Ayos dito, linis doon…hay buhay!

Sernan

Dear Sernan,

Maaaring makatulong na kausapin ang iyong mga anak at asawa tungkol sa sitwasyon. Ipaabot mo sa kanila ang iyong nararamdaman na tila nawawalan ka ng oras para sa sarili at nagiging sobrang abala sa gawaing bahay. Baka pwede silang maglaan ng konting oras kada linggo para tumulong, kahit maliit na kontribusyon lang.

Kung hirap ang mga anak mo dahil sa dami ng kanilang schoolwork, baka pwede kayong mag-set ng specific na schedule kung kailan sila makakatulong sa bahay. Halimbawa, baka puwedeng mag-assign ng gawain tuwing Sabado o Linggo para hindi ito makasagabal sa kanilang pag-aaral.

Pwede kayong mag-assign ng mga specific na gawain para sa bawat isa.

Kahit simpleng gawain tulad ng paghuhugas ng pinggan, pagtiklop ng mga damit, o paglilinis ng kwarto. Pero kung talagang ‘di kaya, hindi naman masamang kumuha muli ng kasambahay, kahit part time. Kaysa magkasakit ka dahil sa sobrang pagod.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with