^

Punto Mo

Pangangalaga ng kalusugan gamit ang mga kamay•

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Upang hindi sumobra sa calories ang iyong kakainin, kumain ng karne o isdang kasinlaki ng iyong palad. Kung cake o pastries ang kakainin, ang tamang size ay kasinglaki ng hinlalaki.

• Kung napapansin mong lumulutong na ang iyong kuko dahil laging napuputol, ito ay isang sintomas ng hypothyroidism o hyperthyroidism. Magpasuri kaagad sa doctor.

• Dahan-dahang imasahe ang mga daliri  sa iyong noo patungo sa tuktok at pababa sa batok. Ulitin ang pagmasahe ng sampung beses araw-araw. Ang ganitong teknik ay nagpapalusog at nagpapakapal ng buhok.

• Hugasan ang kamay sa loob ng 20 seconds gamit ang sabon at tubig: pagkatapos gumamit ng toilet; bago at pagkatapos kumain; at sa tuwing ito ay marurumihan. Nakakatuyo ng balat ang sobrang paggamit ng hand sanitizer.

• Alagaan ang kamay. May mga taong tumitingin sa kamay para hulaan ang edad ng isang tao. Pahiran lagi ng moisturizer or cream na may retinol upang matanggal ang pangungulubot.

• Nasusuka kapag nagbibiyahe? Gamit ang daliri, pindutin ang pulso (tatlong daliri ang distansiya mula sa ilalim ng palad) upang mawala ang pangangasim ng sikmura.

• Ang nanlalamig na kamay at paa, na may kasamang panlulugon ng buhok, at memory loss, ay palatandaan ng hypothyroidism.

• Kung ang panlalamig ng kamay at paa, ay may kasamang pamamanhid, ito ay palatandaan ng kakulangan sa vitamin B12.

• Kung ang panlalamig, ay may kasabay na sakit at biglaang pamumutla ng daliri sa kamay at paa, ito ay indikasyon ng mas malala pang problema na nangangailangan ng agarang pagkonsulta sa doctor.

vuukle comment

PALAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with