^

PSN Showbiz

Jose Mari, may ilalantad pa sa Christmas…

Pilipino Star Ngayon
Jose Mari, may ilalantad pa sa Christmas�
Jose Mari Chan

Handog ni Bernadette Sembrano sa mga manonood ang isang maligayang episode dahil makakapana­yam niya Jose Mari Chan, ang singer sa likod ng mga Christmas song na bahagi na ng pagdidiriwang ng Pasko ng bawat Pilipino sa Tao Po ngayong Setyembre 8, 6:30 ng gabi.

Para sa maraming Pilipino, Setyembre ang hudyat ng Christmas season, kung saan trending lagi ang mga awiting Christmas in our Hearts at A Perfect Christmas ni Jose Mari Chan. Sa episode ngayong Linggo, ibabahagi ng OPM at Filipino Christmas icon kay Bernadette ang inspirasyon sa likod ng kanyang mga Christmas song.

Tampok din sa episode ang pagsasanay ni ABS-CBN reporter at dating Philippine team swimmer na si Gretchen Fullido kasama ang co-swimmer na si Justine Oliveros, na nanalo ng tatlong gintong medalya sa 2024 Palarong Bansa. Ipinanganak na walang kaliwang binti at deformed na mga daliri si Justine, pero hindi ito naging hadlang para siya ay maging isang magaling na atleta.

Samantala, ibabahagi naman ni Kabayan Noli de Castro ang nakakabagbag-damdaming kwento ni Myla Manaluz, isang single mother at VAWC officer, na isa sa mga na­ging highlight ng 3rd annual Tilapia Coo­king Festival sa Minalin, Pampanga.

Disney+, libre na!

Dalhin ang magic ng Disney+ sa iyong tahanan nang libre! Sa GFiberSURF, maaari mo nang ma-enjoy nang walang katapusan ang Disney+ shows at movies kasama ang iyong pamilya, kung saan mas magiging memorable ang bawat sandaling kasama sila.

Isipin ang saya nang buhayin muli ang classic animated films at tuklasin ang mga bago at exciting na series nang magkasama.

Isipin din ang panonood ng kapana-panabik na adventures ng mga paborito mong superheroes o saya habang nagsi-sing along sa Disney songs.

Para ma-avail ang offer, magrehistro lamang para sa GFiberSURF sa pamamagitan ng GlobeOne app. Piliin ang GFiberSURF999 for P999 at makakuha ng unli internet for 30 days, plus free Disney+ Premium voucher na valid for one month.

Kung gusto naman ng entertainment package na magagamit buong taon, piliin ang GFiberSURF9999 sa halagang P9,999 at i-enjoy ang unli internet sa buong taon, kasama ang free Disney+ Premium voucher na valid for one year.

Walang long-term contracts at monthly bills, ang fle­xible, UNLI at reloadable na GFiberSURF ay hassle-free na mabilis at maaasahang fiber internet experience.

vuukle comment

JOSE MARI CHAN

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with