^

Bansa

DOH: Lockdown ‘di kailangan vs mpox

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOH: Lockdown �di kailangan vs mpox
Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, sa kabila ng natukoy na 5 aktibong kaso ng mpox, kaya naman ng healthcares system ng bansa na tugunan ang nasabing viral disease.
Businessworld

MANILA, Philippines — Kahit nadagdagan pa ang mga natukoy na kaso ng mpox sa bansa, tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang panga­ngailangan para magdeklara ng lockdown sa bansa.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, sa kabila ng natukoy na 5 aktibong kaso ng mpox, kaya naman ng healthcares system ng bansa na tugunan ang nasabing viral disease.

“We don’t see the need for a lockdown because we are able to identify it. There is no need for restrictions,” ani Domingo sa televised interview noong Huwebes.

Ipinaliwanag niya na iba sa Covid-19 ang mpox, na skin-to-skin ang hawaan at hindi airborne.

Hindi na aniya bago ang mpox dahil nagkaroon na ng viral disease na ito noong pang 1958.

Payo niya sa publiko, maiiwasan ang hawaan kung mag-iingat tulad ng pagsusuot ng jacket, magsuot ng mahaba o pantalon sa halip na shorts. Kahit sa bahay ay maaring paga­lingin ang mpox na hindi na kailangang maospital.

Ang simpleng paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig ay makakapatay na ng virus.

Sa kasalukuyan, nasa 14 na ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng mpox sa bansa simula Hulyo 2022.

Ang siyam ay nakarekober na habang ang 5 pang aktibong kaso ay mula sa Metro Manila (4) at Calabarzon (1). Ang 5 ay nasa kategoryang MPXV Clade II variant, ang mild form ng nasabing virus.

Ang MPXV Clade I na naobserbahan sa Congo basin, sa Central Africa ay mas matindi na nag­reresulta pa sa kamatayan lalo na sa mga immunocompromised.

Wala pa man sa bansa ang nasabing variant pero dapat na paghandaan ito sakaling makapasok.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with