^

PM Sports

Meralco, Northport magbabaklsan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi magpapaiwan sa liderato ng Pool A ang Meralco at NorthPort sa krusyal nilang sagupaan sa umiinit na 2024 PBA Governors’ Cup ngayon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Aarangkada ang duwelo sa alas-7:30 ng gabi tampok ang pabuya para sa Bolts o Batang Pier na makaakbay sa unahang puwesto ng grupo kasama ang Talk ‘N Text.

May 2-1 kartada sa ngayon ang Meralco at NorthPort para sa segunda puwesto sa likod lang ng Tropang Giga na may 3-1 baraha papasok sa kalagitnaan ng elimination rounds.

Pareho ring galing sa kumbisidong tagumpay ang dalawang koponan. Wagi ang NorthPort kontra sa Converge, 135-109, habang tinambakan din ng Meralco ang Terrafirma, 107-97.

Pero mas mainit ang Batang Pier na nakasakay sa dalawang sunod na panalo matapos din ang 112-93 tagumpay sa Terrafirma buhat nang yumukod sa TNT sa opener, 95-101.

Ang Meralco sa kabilang banda bago ang pa—nalo kontra sa Terrafirma ay dumapa sa TNT, 93-73, matapos ang 99-94 panalo laban sa Magnolia sa season opener.

Bibida sa Meralco ang import na si Allen Durham kasama sina Chris Newsome, Chris Banchero, Bong Quinto at Cliff Hodge subalit mapapalaban kina reinforcement Venky Jois, Joshua Munzon, Jio Jalalon at star forward na si Arvin Tolentino.

Samantala, tinalo ng NLEX (3-1) ang San Miguel (2-2) sa overtime, 112-108, kahapon sa Cagayan De Oro City.

Bumira si import Myke Henry ng 33 points para pamunuan ang bounce back win ng Road Warriors.  

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with