^

Police Metro

Ginang nasa ER ng ospital, tinodas

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na ginang ang nasawi noon din habang ang kanyang anak at dalawang iba pa ay nasugatan nang pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek na pumasok sa emergency room ng pampublikong ospital sa Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat, alas-3:10 ng madaling araw habang natutulog sa higaan sa emergency room ng Pagamutan ng Dasmariñas Ospital ang biktimang si Chatty Timbang nang biglang pumasok ang isa sa tatlong armadong lalaki at pinagbabaril ng ilang beses nang malapitan.

Habang ang ina ng biktima na si Chochita Timbang na natutulog din sa tabi ng higaan ng anak ay tinamaan din ng bala sa kanang hita.

Habang tumatakas ang gunman sa loob ng ospital ay binaril ang dalawang lalaki na kanyang nakasalubong na kinilalang sina Abdul Batua, at Nedia Vasque na nagtamo ng tama ng bala sa kanang braso at kanang paa.

Sumakay sa motorsiklo ang suspek sa pagtakas ng naghihintay na kasama patungo sa Congressional Ave. Area 1, Dasmariñas City.

Sinabi ni Lt. Col. Julius Balano, hepe ng pulisya ng lungsod, na naaresto ang isa sa tatlong salarin na kinilalang si Jericho Regino, 22, residente ng Confederation drive, sa hot pursuit operation sa kalapit na barangay sa kaparehong araw.

Inamin ng suspek ang kanyang partisipasyon sa krimen at ibinunyag sa mga otoridad ang kanyang dalawang kasabwat. Ayon kay Balano, ang inisyal na motibo ay may kaugnayan sa droga kung saan ang biktima ay nagbigay ng kaukulang impormasyon ukol sa pagkakasangkot ng mga salarin sa drug activities sa kanilang lugar.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with