^

Metro

Anak,13-taong sex slave, binuntis pa ng sariling ama

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso na ang isang delivery rider matapos na 13-taong gawing sex slave ang sariling anak at mabuntis pa nito sa Tondo, Manila, nabatid kahapon.

Ang suspek na si alyas ‘Domeng,’ ay ­inaresto kamakalawa ng gabi ng mga awtoridad, batay sa reklamo ng kanyang 18-anyos na anak na dalaga, na sinamahan ng kanyang inang si Lyn.

Batay sa reklamo, limang taong gulang pa lamang siya nang sinimulan siyang molestiyahin ng suspek.

Naganap umano ang pinakahuling pangmomolestiya ng suspek sa biktima noong ­Agosto 18, 2024 lamang, ganap na alas-3:30 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay, kahit anim na buwan na palang buntis ang biktima.

Nagmakaawa pa umano ang biktima sa ama na huwag na siyang halayin ngunit sinabihan umano ang biktima ng suspek, “isa na lang anak, pagkatapos nito ay aalis na ako at hindi na magpapakita.”

Dito umano ay hindi na nakatiis pa ang biktima at isinumbong na sa kanyang ina ang ginawa sa kanya ng ama.

Sinasabing isinasagawa ng suspek ang panghahalay tuwing wala ang ina ng biktima.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti Rape Law sa piskalya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with