^

Probinsiya

Anak inubos ang pananghalian, sinaksak ng ama!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Anak inubos ang pananghalian, sinaksak ng ama!
Isang tama ng saksak sa itaas na bahagi ng kaliwang dibdib ang tinamo ng biktimang kinilala lamang sa pangalang “Roby”, isang construction worker.
STAR/File

VIGA, Catanduanes, Philippines — Sugatang isinugod sa pagamutan ang isang 27-anyos na binata matapos saksakin ng kanyang sariling tatay habang nagduduyan makaraang magalit nang lantakan ng biktima ang pananghalian sa kanilang bahay sa Brgy. San Jose, Viga, Catan­duanes kamakalawa ng tanghali.

Isang tama ng saksak sa itaas na bahagi ng kaliwang dibdib ang tinamo ng biktimang kinilala lamang sa pangalang “Roby”, isang construction worker.

Kalaboso naman at nahaharap sa kasong tangkang pagpatay ang tatay na si “Berting”, 60-anyos, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali umuwing lasing ang suspek mula sa pakikipag-inuman. Gayunman, laking galit nito nang magbukas ng makakain ay wala na itong mahagilap.

Agad nitong kinompronta ang anak na nagduduyan sa bahay ng kapatid kung bakit kinain nito ang kanyang pananghalian dahilan para mainit na nagkasagutan ang mag-ama. Umuwi ang suspek at kumuha ng kutsilyo saka tinarakan sa dibdib ang anak.

Mabilis na umawat sa pananaksak ang isa pang anak nito at duguang isinugod sa Viga District Hospital ang biktima.

Sumuko naman ang suspek sa mga rumes­pondeng pulis bitbit ang kutsilyong ginamit sa pananaksak sa kanyang anak.

vuukle comment

CATAN­DUANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with