^

PSN Opinyon

Publicity gimmick ba?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Maraming sumakay sa sinasabing alitan sa pera ni double gold medal Olympic champion at world class gymnast na si Carlos Yulo at kanyang ina. Hindi ko na dedetalyehin dahil alam na ng nakararami.

Ito ay viral na viral lalo na sa social media at may mga taong kinampihan si Yulo at ang girlfriend na si Chloe San Jose pero marami ring kumampi sa ina nito na lumilitaw na hindi binahaginan ni Yulo ng kanyang mga kinitang milyones sa kanyang mga naunang torneo. May mga ulat din na ang ina ang lumustay sa salapi ni Yulo na di alam ng huli.

Kahit sa aking FB account ay hindi ako pumatol sa kontrobersiyang ito. Ang importante kasi, para sa akin—ay ang karangalang inihatid ni Yulo sa ating bansa at hindi ang personal niyang buhay.

Nasabi ko lang sa sarili na sa pagiging kontrobersiyal ni Yulo na nadamay pa ang jowa niya, puwede na silang pumasok sa showbiz. Totoo nga!

Kinuha na pala silang artists ng ABS-CBN at magiging Kapamilya stars na. Isipin ninyo, kung walang mga nalathalang kontrobersiya tungkol sa kanila, mangyayari ba ito?

Hindi ko sinasabing publicity gimmick ang nangyari pero malamang, yun na nga yun at ang ginamit na instruments ay ang social media. Iyan naman talaga ang kalakaran lalo na sa showbiz. Bahagi iyan ng paglikha ng mga bituin.

Kaya ang masasabi ko kina Caloy at Goldilocks Chloe, good luck sa magiging bagong career ninyo. Pero sana pati yung nanay ni Carlos ay gawin ding artists at bigyan ng mother role kung isasapelikula ang tunay na buhay ng ating champion.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with