^

PSN Showbiz

Gerald, naghahanap ng gamot sa Leptospirosis; ibang reservist nasaan na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gerald, naghahanap ng gamot sa Leptospirosis; ibang reservist nasaan na!
Gerald Anderson

Trending pa rin kahapon si Gerald Anderson dahil sa pagtulong niya sa rescue team sa mga binaha sa Quezon City noong kasagsagan ng bagyong Carina.

Ang daming nag-post ng kuha niya noong Ondoy taong 2009, at ikinumpara ngayong bagyong Carina 2024.

Nakita naman sa video na hindi pang publicity ang ginawa ng Kapamilya actor kundi gusto talaga niyang tumulong.

Hindi lang maiwasang marami ang nagkuha ng litrato at video dahil Gerald Anderson naman kasi.

Kaya pinuri siya ng mga netizen sa ginawa niya.

Hindi nga ito ipinost ni Gerald. Nag-post lang siya kahapon sa kanyang Instagram na nanawagan kung saan makakabili ng Doxycyline, dahil sold out na raw sa mga drug store.

Ilang oras siyang nakalusong sa tubig baha, mahirap na at baka nga naman magka-Leptospirosis.

Bukod sa naturang aktor, nakita sa social media ang pagtulong nina David Chua at Ronnie Liang sa mga binaha.

Si David ay namahagi ng relief goods sa mga taga-Tondo. Naibalita pa ngang nasaksihan niya mismo roon ang taong nakuryente sa baha na ikinasawi nito.

Active si David Chua sa mga event sa Tondo na mas kilala roong direktor ng ilang programa, kagaya ng Rated Korina ni Korina Sanchez. Kaya nga may pa-hashtag pa siyang #DIREKtangAksyon. Bida rin sa David sa sitcom na GoodWill sa Net 25.

Mukhang may balak siya sa darating na eleksyon dahil halos lahat ng mga pagtitipon at iba pang pangangailangan sa kanyang distrito ay nandun siya.

Ang isa pang very visible din sa Roxas district sa Quezon City ay ang singer at reservist ng Philippine Army na si Ronnie Liang.

Sumama siya sa 1302 Ready Reserve Battalion, Reserve Command ng Philippine Army na nag-rescue sa mga binaha sa Roxas district, Quezon City.

Habang tumutulong sa paglilikas sa mga binaha ay nabi-video ito.

Kung may ibang ibig sabihin ito sa iilang nakakita sa social media, at least tumutulong ‘di ba?

May iba ngang nagtanong kung nasaan naman ang ibang reservist na dapat ay nandiyan sila sa ganitong panahon.

Pero hindi naman natin alam, at baka meron naman silang ginagawa, hindi nga lang naipo-post sa social media o napo-promote.

Ilan naman sa mga taga-showbiz na public servants at mabilis ang pag­hatid ng tulong ay si Cong. Jolo Revilla ng District 1 ng Cavite.

Noong tuluy-tuloy na ang pag-ulan noong Martes ay umikot na si Cong. Jolo sa Cavite.

Samantala, ang active pa rin pala ni Jake Ejercito sa grupo ni dating Vice Presidente Leni Robredo.

Ipino-post niya sa kanyang Instagram ang emergency hotline ng Angat Buhay, para sa mga nangangailangan ng rescue assistance at coordination.

Pati ang pagpapabigay ng donations ay ipinost din niya kung saan puwedeng ipadala.

Active din si Heart Evangelista bilang presidente ng Senate Spouses Foundation, Inc.

Nagpo-post ito ng Operation Bayanihan, kung saan puwedeng magpadala ng donasyon, pati ang mga pag-rescue sa mga hayop ay pinapurihan niya particular na ang mga nagliligtas sa mga asong nabiktima ng baha.

May pino-post din siyang paalala na huwag iwan ang mga pet pagdating ng ganitong sakuna.

Malaking bagay ang mga ganitong partisipasyon ng kilalang celebrities.

Sila ang kaagad na napapansin at pinapakinggan.

vuukle comment

ACTOR

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with