^

PSN Showbiz

Luis, may pinatulog na pakialamera

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Luis, may pinatulog na pakialamera
Luis at Peanut

Si Luis Manzano na ang sumagot sa comment ng isang netizen na sinabihan si Jessy Mendiola na hindi tama ang pagkarga niya sa anak na si Rosie. “She’s going to have a bowleg,” comment nito.

Hindi sumagot si Jessy, kaya si Luis ang rumesbak “Pag ganyan, itulog niyo nalang po.”

Natawa at nag-agree ang netizens kay Luis at may nag-comment pa nga na ang Puti gaya ng Australians at Americans, ganu’n ang pagkarga sa mga anak. Hindi naman daw naging sakang ang mga anak ng mga ito. Hindi raw totoo ang kasabihang ito at sigurado namang nag-research sila on right pa­renting bago nila gawin ang ipinag-react ng netizen.

‘Paglilinaw pa ng isang mom, ang pagiging sakang ng isang bata ay nangyayari habang nasa womb pa ng ina ang bata at walang kinalaman kung paano kinakarga ang mga bata. Saka, malaki na si Rosie, nakaporma na ang mga binti para maging sakang siya paglaki.

Speaking of Jessy, pinasalamatan nito si Luis sa pagbabalik showbiz niya.

May pa shoutout din siya sa kanyang fans.

Rhian, nanay na kina Alden at Barbie!

Na-hopia ang fans ni Alden Richards na nag-wish na sana sila ni Rhian Ramos ang magkapareha sa Pulang Araw dahil si Rhian ang gaganap na ina ng mga karakter nina Alden at Barbie Forteza sa nasabing teleserye.

Special role ito, wala na siguro ang karakter niya paglaki ng mga karakter nina Alden at Barbie.

Sabagay, malapit na ang July 26, ang date ng streaming ng historical drama series sa Netflix. Susunod na rin ang premiere nito sa GMA 7 sa July 29, kaya malalaman na kung tama ang tsika na siya ang gaganap na ina na magkapatid sa palabas.

Hindi lang naman sa Pulang Araw mapapanood si Rhian dahil kasama rin siya sa cast ng Sang’gre at mas malaki at mas mahaba ang exposure niya rito.

Sa isang interview, nagpahayag ng tuwa si Rhian na nabibigyan siya ng mga challenging roles ng GMA 7, kaya nag-i-enjoy pa rin siya sa kanyang showbiz career.

Kampo ni Dennis, may nilinaw

Wala si Dennis Trillo sa pa-mediacon para sa Pulang Araw at kanya-kanyang bigay ng opinyon ang netizens kung bakit wala ang aktor doon. May nag-akalang umiwas siya at ang management nito para hindi na matanong sa katatapos lang na kontrobersya na kinasangkutan ng aktor.

Sa absence niya sa mediacon, may sagot ang staff ng Aguila Entertainment at sabi nito, “Kalma lang. May solo presscon kasi siya. Nasa plano na ‘yan months ago pa po.”

Meaning, hindi ang kontrobersya na kinasangkutan niya ang rason kung bakit wala sa mediacon.

Kahit naman wala siya sa mediacon, napuri pa rin ang husay niya sa role ng ruthless Japanese soldier na si Yuta Saito.

Speaking of Dennis, nagtayo sila ni Jennylyn Mercado ng sari­ling production company na tinawag nilang Brightburn Entertainment. Kasama nila sa first meeting ang Netflix Philippines at ibig sabihin nito, pang-Netflix ang project na kanilang ipoprodyus at pagbibidahan na rin siguro.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with