^

PM Sports

Gilas Boys dinurog ng USA

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sibak na sa kontensyon ang Gilas Pilipinas boys matapos ang kalunus-lunos na 141-45 kabiguan kontra sa reigning champion na USA sa Round of 16 ng 2024 FIBA U17 World Cup kamakalawa ng gabi sa Sinan Erdem Dome sa Istanbul, Turkey.

Maagang natambakan ang Gilas sa 13-43 sa first quarter at hindi na nakabangon pa tungo sa masaklap na 96-point pagkatalo kontra sa world No. 1 na USA.

Nalaglag ngayon sa classification rounds ang Gilas bitbit ang 0-4 kartada na panay blowout losses simula sa Group A play palang.

Unang nahambalos ang world No. 25 na Gilas ng world No. 7 Lithuania, 107-47, No. 2 Spain, 96-32 at No. 15 na Puerto Rico, 98-53.

Tanging sina Joaquin Gabriel Ludovice at CJ Amos na may 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, lang ang naka-iskor ng double digits para sa mga bataan ni coach Josh Reyes.

Onse naman sa 12 players ng USA ang nakaiskor sa pangunguna ng 22 puntos, 7 rebounds, 3 assists at 2 steals ni Koa Peat sa 15 minutong aksyon lang.

May 20 at 16 puntos din sina Cameroon Boozer at Jalen Haralson, ayon sa pagkakasunod.

Nag-ambag din ng tig-12 sina Cayden Boozer at Tyran Strokes para sa higanteng USA na pinagwagian ang lahat ng 6 na edisyon ng world youth championships.

Swak na sa quarterfinals ang USA at makakaharap ang Canada.

 

vuukle comment

GILAS BOYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with