^

PSN Showbiz

Juliana ga-graduate na cum laude, naghahanda na ring pumasok sa pulitika?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Juliana ga-graduate na cum laude, naghahanda na ring pumasok sa pulitika?!
Richard, Lucy at Juliana.
STAR/ File

Proud si Congressman Richard Gomez sa asawa niyang si Mayor Lucy Torres-Gomez na maayos nilang nairaos ang Ormoc fiesta kahapon.

Buong buwan ng Hunyo ay Fiesta month sa Ormoc, at kahapon ang kanilang culminating activity na kung saan ay nagkaroon ng Youth Jam tampok ang bandang Oh! Caraga na sikat pala sa Kabisayaan.

Natupad ang gusto talaga ni Mayor Lucy na dagsain ang kanilang mga event sa buong Ormoc, nang sa gayun ay matulungan din ang mga negosyo.

“Mas gusto ni Lucy naga-gather ang mga tao. Katulad nu’n, ang parade of lights, maraming naga-gather na mga tao.

“So people are coming out, people are spending money, the people are enjoying the view, at walang gulo,” pakli ni Cong. Goma habang inaayos ang mahaba niyang buhok.

Natawa na lang ang Representative ng 4th district ng Leyte nang binanggit naming tila hindi na ito nag-aayos. Kaya tuloy naba-bash siya.

Natatawa na lang siya at dedma na. Hindi raw talaga siya naapektuhan sa mga sinasabi ng ibang tao, basta kumportable raw siya sa ayos niya ngayon. “Hindi ko inaano ‘yun. I do not take it too hard. Ang pinapakialaman ko ang sarili ko. Gusto ko ganito ang buhok, ganito ‘yung gusto ko, ano ang magagawa  mo, ‘di ba?

“Darating ‘yung panahon na baka magpagupit naman ako, sabihin mo, ‘ba’t naman maiksi ang buhok mo? Hayaan n’yo na ganito ako, masaya ako dito,” sabay hawi niya sa kanyang buhok.

Masaya na rin at very proud si Cong. Goma sa kanilang anak na si Juliana, dahil next month ay ga-graduate na ito sa University of the Philippines.

“I’m happy na graduate na si Juliana, and nag-enroll siya sa Master’s course niya. Dun pa rin sa UP mag-Master siya on Public Administration.

“I’m very happy na she’s graduating Cum Laude.  Kanino pa nagmamana, siyempre! Ang talino nakukuha sa nanay!” bulalas ni Cong. Goma habang tumatawa.

Hindi naman daw niya masasabing paghahanda na ni Juliana sa pagpasok sa pulitika, kaya siya nag-Master on Public Administration.

“Hindi naman namin sinabi sa kanya na maghanda ka. Pero she really wanted Public Administration. Siguro ‘yun ang nakikita niya sa amin. Nung time na sa Congress pa si Lucy, ako naman ang Mayor. Ngayon si Lucy naman ang Mayor.

“Magaling si Juliana sa tao. ‘Yun ang nakikita ko sa kanya. Marunong mag-public speaking ‘yun,” sambit nito.

Sa ngayon ay hindi pa raw niya masabi kung pasok na nga ba si Juliana sa Wil To Win ni Willie Revillame, dahil hindi pa raw niya natanong sa kanyang anak kung gusto ba niya ito.

“Gusto ni Willie. Hindi ko naman sinabi kay Juliana na huwag… sabi ko kay Juliana, ‘ikaw ang mag-decide, meet with them and talk to them. Kung type mo at nagustuhan mo,’ it’s really up to her to decide kung ano ‘yung gusto niya.

“Tumawag si Willie sa akin, sabi ko, ‘Willie sino ang contact person n’yo?

“Tapos nun, nag-usap sila, nag-meeting sila. Hindi ko…sabi ko, ‘it’s really up to you to decide. Ikaw ang bahala kung ano ‘yung gusto mong gawin,” dagdag niyang pahayag?

Sen. Bong, bawal pang tumakbo!

Natuwa si Sen. Bong Revilla dahil nakakaya na niyang maglakad-lakad at medyo okay na ang kanyang paang inoperahan.

Nag-Facebook live ito kamakalawa lang na sinasamahan siya ni Cong. Lani Mercado na naglakad-lakad sa kanilang farm.

Kaya na raw niyang maglakad, pero hindi pa puwedeng tumakbo.

At least, regular na siyang makakapasok sa Senado ‘pag mag-resume na ang session.

Natuwa nga siyang naging batas na ang panukalang isinulong gawing libre sa bayad para sa college entrance examination ng mga pribadong higher educational institutions (HEIs) ang mga kuwalipadong estudyante.

Itong Republic Act No. 12006 o tinatawag na Free College Entrance Examination Act ay naglalayong pagaanin ang pagkakataon para maabot ang quality tertiary education ng mga kapus-palad pero matatalinong mag-aaral at hindi na sila sisingilin sa entrance examination fees at charges para sa college admission.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with