^

Police Metro

Dagdag na financial assistance sa mga dialysis patients, aprub sa PhilHealth

Joy Cantos - Pang-masa
Dagdag na financial assistance sa mga dialysis patients, aprub sa PhilHealth
Ayon kay Sec. Herbosa mula sa P2,600 per session, tataasan na hanggang P4,000 ang sasagutin ng PhilHealth para mapasama na ang iniksyon at iba pang gamot na maaring hiwalay na i-claim ng pasyente.
AFP / File

MANILA, Philippines — Lubos ang pasasalamat ni Speaker Martin Romualdez kay Health Secretary Ted Barbosa sa pag-apruba ng PhilHealth board sa kanyang hiling na dagdagan ang financial assistance para sa pagpapa-dialysis ng mga diabetic patients sa buong bansa.

Ayon kay Sec. Herbosa mula sa P2,600 per session, tataasan na hanggang P4,000 ang sasagutin ng PhilHealth para mapasama na ang iniksyon at iba pang gamot na maaring hiwalay na i-claim ng pasyente.

“This was the request of Speaker Romualdez, base na rin sa pahayag ng pangulo noong nakaraan niyang SONA na gawin ng totally free ang hemodialysis treatment,” ayon kay Herbosa, na chairman din ng PhilHealth.

“Sobrang salamat PhilHealth kasi we proposed it to them just last month at heto may resulta na agad.Maraming Pilipino ang makikinabang sa dagdag financial assistance na ito ng ahensya”, ayon sa lider ng Kongreso.

Base sa tala ng Department of Health (DOH) may 4.5 milyong Pilipino ang diabetic at higit isang milyon ang nagpapa-dialysis.

“Malaking tulong talaga ito dahil pati gamot o iniksyon na laging problema ng mga pasyente, finally sasagutin na rin ng PhilHealth,” dagdag pa ni Romualdez.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with