^

Police Metro

3 dam sa Luzon, nagpakawala na ng tubig

Angie dela Cruz - Pang-masa

Pinangangambahan na umapaw

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha dulot ng habagat, sinimulan nang magbawas ng tubig ang tatlong dam sa Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.

Sa ulat ng PAGASA-Hydrometeorology Division, upang makaiwas sa pag-apaw, nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam makaraang isang gate nito ang binuksan sa may gate opening na .30 centimeter.

Umaabot na sa 106 meters ang antas ng tubig ng naturang dam na bahagyang mataas sa 101 meters na normal high water level.

Tig-tatlong gate naman na may gate opening na 1.50 meters ang binuksan sa Ambuklao at Binga Dam para magpakalawa ng tubig.

Nabatid na nasa 7.51 meters ang water elevation sa Ambuklao na halos maabot na ang 7.52 meters na normal high water ­elevation.

Abot na rin sa  574.58 meters ang water elevation ng Binga Dam at halos pantay na sa 575 meters na normal level nito.

Samantala, tumaas din ang antas ng tubig sa Angat Dam, na nasa 191.70 meters na. Nadagdagan ito ng 3.50 meters kumpara sa 188.20 meters noong Biyernes.

Umangat din ang water level sa La Mesa Dam 79.58 meters, San Roque dam na 257.25 meters, Pantabangan dam na 186.33 meters,Magat dam  172.75 meters at Kaliraya dam. 286.68 meters.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with