Zamora magbabalik-Kamara
MANILA, Philippines — Muling magbabalik sa Kamara si Davao de Oro Vice Gov. Maria Carmen Zamora na kilalang kaalyado ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Ito ay matapos na maghain si Zamora ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa unang distrito ng Davao de Oro sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na regional party ni Duterte.
Si Zamora ay three-term lawmaker at dating officer in charge (OIC) ng House committee on appropriations noong panahon ni dating speaker President Gloria Macapagal Arroyo.
Nagsilbi rin siyang district representative noong 15th, 16th, at 17th Congress (2010-2019) at naging senior vice-chairman ng House appropriations panel.
Naghain din ng COC sina Davao de Oro 1st District Rep. Manuel “Way Kurat” Zamora, na miyembro ng HNP at Lakas-CMD na tatakbong mayor ng Munisipalidad ng Monkayo.
- Latest