^

Police Metro

166 pulis pinarusahan ng Napolcom

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na kumikilos ang kanilang internal cleansing matapos na umabot sa 166 pulis ang naparusahan ng Napolcom.

Sa bilang na ito, 75 na mga pulis ang natanggal sa serbisyo, 48 ang pinatawan ng demotion at 43 iba pa ang sinuspinde.

Sinabi ni Eleazar na patunay din ito na hindi kukunsintihin ng PNP ang mga maling gawain ng kanilang mga miyembro.

Siniguro naman ni Eleazar na dumaan sa mabusi­sing imbestigasyon ang mga kasong administratibong inihain laban sa mga police scalawag at nasunod din ang due process.

Payo ni Eleazar sa mga pulis, sundin lamang ng matuwid ang kanilang tungkulin at umiwas sa anumang mga isyu at kontrobersiya.

GUILLERMO ELEAZAR

NAPOLCOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with