^

PSN Showbiz

Miss U wala talaga sa pangarap Liza, nagkaka-anxiety‘pag nasa stage!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Miss U wala talaga sa pangarap Liza, nagkaka-anxiety‘pag nasa stage!
Liza

Marami ang nag-uudyok kay Liza Soberano na sumali sa mga beauty contest. May ilan pang nagsasabi na sa Miss Universe nababagay ang kagandahan ng aktres. “I’m very flattered, nakakakilig na gusto ng mga tao na sumali ako sa Miss Universe. But like I’ve always said, noon pa, I really don’t think it’s for me,” naka­ngiting pahayag ni Liza.

Ayon sa aktres ay nakararanas siya ng anxiety sa tuwing nagtatanghal sa entablado. “I get anxiety when I’m on stage, ASAP pa nga lang, sasayaw lang naman ako, hindi naman magsasa­lita, grabe na ‘yung kaba ko. What more if it was for Miss Universe? I don’t think that I would give justice to every­body’s expectations. I think I would pass out on stage,” pagtatapat ng dalaga.

Matatandaang gumanap si Liza bilang si Pia Wurtzbach sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong 2017. Sumailalim din sa training noon si Liza kaya ayon sa aktres ay para na rin siyang nakasali sa isang beauty pageant. “Na-experience ko kahit paano ‘yung training for Miss U. Grabe ang taas ng heels na sinusuot nila. Ako, hindi ako sanay sa sobrang mataas ng heels. Kasi may height na rin ako. Sanay ako sa mababa. When I tried the high heels, I was tripping all the time. Malamang ‘pag sumali ako sa Miss U, madadapa din ako sa stage, even though may training,” paglalahad ng aktres.

JC, 4 na taong nag-OFW

Nakatakdang mag-shooting si JC Santos sa Qatar para sa pelikulang The Eventologist. Ngayon pa lamang ay sobrang excited na ng aktor para sa naturang OFW film. “Siya ‘yung gumagawa ng events, based siya sa Qatar. An OFW hosting events and pinapupunta ang mga artista galing sa Pilipinas para mag-perform sila sa Doha, Qatar. Nagre-revolve ‘yung kuwento sa buong pangyayari backstage while lahat ng nangyayaring events na ‘to sa labas. Kumbaga it’s the point of view of one person kung ano nangyayari behind the scenes,” pagdedetalye ni JC.

Malapit sa puso ng aktor ang bagong karakter dahil naranasan din ni JC maging overseas Filipino worker. Apat na taong nakapagtrabaho si JC sa Hong Kong at Singapore noon. “I was a performer for both theme parks. The first time I went there I was 19 years old. I was curious kasi no’ng time na ‘yon I was enjoying the whole thing. I was making money na tapos meron kang ganito kalaking money hindi mo alam gagawin mo. No’ng time na ‘yon, I was still finding myself. I really wanted to be a performer,” pagbabahagi niya.

Ayon kay JC ay ang mawalay sa mga mahal sa buhay nang mahabang panahon ang pinakamahirap niyang naranasan bilang isang OFW. “No’ng time na ‘yon I was super scared and vulnerable every time kasi as a person dito sa Pilipinas meron kang comfort zone na pinupuntahan. Kunwari ‘yung friend ko puwede ko lang puntahan ngayon any time. Puwede ko makita ‘yung loved ones ko. Kapag nasa ibang bansa ka, wala. It’s like I’m working every time kahit na nasa bahay na ako at nagre-relax,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

 

LIZA SOBERANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with