Kuwento ng pagsubok at pananampalataya matutunghayan sa Holy Week special
MANILA, Philippines — Gaganap bilang Christopher at Crizalyn Macato ang aktor at aktres na sina William Lorenzo at Barbara Miguel. Makakahanap sila ng pag-asa pagkatapos hagupitin ng bagyong Yolanda ang kanilang tahanan noon 2013.
Tunghayan ang kuwento ng kanilang pagbangon sa CBN Asia’s Holy Week TV special, Tanikala presents: Kublihan na mapapanood sa Good Friday, April 19, 2019, 5:30pm sa GMA.
Ang Kublihan na ang ibig sabihin ay shelter ang magpapakita sa atin ng kapangyarihan ng Diyos sa kabila ng mga imposibleng sitwasyon.
Hango sa totoong kuwento ng buhay ang istorya nina Christopher at Crizalyn kung saan nagkawatak-watak ang kanilang pamilya ng mahigit pitong taon dahil sa nangyaring trahedya.
Inilarawan ni William ang kanyang karakter bilang si Lorenzo, isa raw itong mabait at responsableng ama na handang magsakripisyo para sa pamilya.
“Sometimes, I doubt God’s existence because of the overwhelming problems I face in life. However, I will realize that it’s just a challenge to awaken us that He is real and present. Never will He leave us because He loves us,” pagbabahagi ni William.
Malaking impact daw para sa mga manonood ang kanilang matutunghayan at magsisilbi pa itong inspirasyon para sa nakararami kaya niya raw tinanggap ang nasabing proyekto.
Samantala, ganito rin ang naramdaman ni Barbara sa karakter niya bilang si Crizalyn, “Just like Crizalyn’s personality, I strive hard for my goals and dreams as an artist. There may be struggles but we both believe and put our faith in God.”
“People from all walks of life should watch Tanikala presents Kublihan because it will open your eyes to the harsh realities of life. You will also understand that no matter how hard the storm may hit you and your family, you can become stronger. It’s filled with life lessons and your faith in God will increase,” dagdag pa ni Barbara.
Si William ay napanood na sa mga teleseryeng tulad ng Bridges of Love at La Luna Sangre, habang si Barbara naman ay nanalong best actress sa 2013 Harlem International Film Festival Awards at best child actress sa 2013 FAMAS awards sa pelikulang Migrante.
Produced by CBN Asia at directed by Icko Gonzalez ang Tanikala presents Kublihan.
- Latest