^

PSN Showbiz

Gilas Pilipinas masusukatan sa FIBA-Asia Cup sa Beirut

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mapapalaban nang hus­to ang Gilas Pilipinas la­ban sa matitikas na kopo­nan sa 2017 FIBA-Asia Cup na gaganapin sa Agosto 10 hanggang 20 sa Nuhad Nawfal Stadium sa Beirut, Lebanon.

Base sa resulta ng draw na isinagawa ng FIBA Asia ay pasok ang Pilipinas sa Group B kasama ang po­werhouse Australia, Japan at Chinese-Taipei.

Maglalaro naman sa Group A ang China, New Zealand, South Korea at Hong Kong, samantalang lalarga sa Group C ang host Lebanon, Syria, India at Jordan, at ang Iraq, Qatar, Kazakhstan at Iran na hahataw sa Group D.

Ang FIBA-Asia Cup ang magsisilbing qualifying tournament para sa 2019 FIBA World Cup na idaraos naman sa China.

Kaya naman inaasa­hang haharap sa matinding pagsubok ang Gilas dahil ang Australia ay kasaluku­yang No. 10 sa world ran­king ng FIBA, habang ang Pilipinas ay nasa ika-27 puwesto.

Babanderahan ang koponan ng mga beteranong si­na Andrew Bogut, Dante Exum, Ben Simmons at Patty Mills.

Bago makalaro sa FIBA Asia Cup ay kinakailangan muna ng Gilas Pilipinas na magkampeon sa 2017 SEABA Men’s Basketball Championship na gagana­pin sa Mayo 12 hanggang 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Dumating na sa bansa si naturalized player Andray Blatche kaya naman todo-ensayo na ang Gilas Pilipinas upang masiguro na handang-handa sila sa SEABA meet.

Si Blatche ay susuporta­han sa SEABA nina Cal­vin Abueva, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Troy Rosario at Jayson Castro at mga ba­guhang sina Jio Jalalon, Ro­ger Pogoy, Matthew Wright, Raymond Almazan at Allein Maliksi.

Unang daraan sa pa­lad ng Gilas Pilipinas ang Myanmar sa opening day ka­sunod ang Singapore sa Mayo 13 kasunod ang Malaysia sa Mayo 14, Thailand sa Mayo 16, Vietnam sa Mayo 17 at ang Indonesia sa Mayo 18.

Hawak ng Pilipinas ang pinakamaraming titulo sa liga sa 11 edisyon tangan ang pitong kampeonato na nakuha noong 2015, 2009, 2008, 2007, 2003, 2001 at 1998.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with