^

Bansa

UK naglabas ng travel warning kasunod ng Quiapo twin blast

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglabas ng travel warning ang gobyerno ng United Kingdom kasunod ng naganap na dalawang pagsabog sa Quiapo, kamakalawa ng gabi.

Nakasaad sa advisory na dapat iwasan ng kanilang mamamayan ang nasabing lugar at maging up to date sa mga local media.

“Two explosions in the Quiapo area of Manila were reported in the early evening of Saturday 6 May 2017. Reports indicate a number of fatalities and serious casualties. You should avoid this area, keep up to date with local media and follow the advice of the local authorities,” nakasaad sa travel warning ng Foreign and Commonwealth Office (FCO) ng United Kingdom.

Inaabisuhan din ang British nationals na iwasan ang pag-travel sa western Mindanao at Sulu archipelago dahil sa mataas na banta umano ng pag-atake ng mga terorista at sa nagaganap na sagupaan ng militar at insurgent groups doon, gayundin ang katimugang bahagi ng Cebu kabilang ang mga munisipalidad ng Dalaguete at Badian dahil sa banta ng tero­rismo.

”Attacks could happen anywhere, including in places visited by foreigners, like airports, shopping malls, public transport and places of worship,” anang advisory.

Bukod dito, tumaas din umano ang kaso ng kidnapping sa mga foreign nationals, kabilang na ang pag-atake na mga dayuhan at turista ang target simula pa umano noong 2015.

Ang mga banta umano ng mga terorista laban sa mga dayuhan ay umaabot na umano sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, sa karagatan at kalupaan suba­lit mas malala umano sa southern Philippines o sa Mindanao, katimugang Palawan, at central Visayas kabilang na ang Siquijor at Dumaguete.

 

FCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with