^

PSN Palaro

Ateneo kampeon sa men’s football

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinagit ng Ateneo de Manila University ang 1-0 panalo laban sa Far Eastern University upang angkinin ang kampeonato sa UAAP Season 79 men’s football tournament kahapon sa Rizal Memorial Football Stadium sa Manila.

Nairehistro ni league-leading goal scorer Jarvey Gayoso ang bukod-tanging puntos sa laro nang isalpak nito ang umaatikabong goal sa ika-39 minuto na siyang nagdala sa Blue Eagles sa panalo kontra sa Tamaraws.

“That’s why I always point to the sky. I offer this to my lolo, my mom and my dad,” wika ni Gayoso, anak ni dating PBA star Jayvee Gayoso at apo ni Ateneo football great Ed Ocampo.

Sinubukan ng Tamaraws na maitabla ang iskor subalit bigo sina team captain Val Jurao at sophomore striker Rico Andes sa kanilang pagtatangka matapos maglatag ang Blue Eagles ng matinding depensa.

“Hindi ako makapagsalita. Pero I feel na, wow! Another championship. We deserve this. I’m so happy,” wika ni head coach JP Merida sa kanilang pang-pitong UAAP crown.

Nasungkit ni Gayoso ang Season MVP award gayundin ang Best Striker plum matapos makalikom ng kabuuang 12 goals sa kabuuan ng torneo.

Magandang pabaon ang kampeonato para kay Ateneo graduating player Carlo Liay na bahagi ng Blue Eagles na nagkampeon noong Season 75.

Napasakamay naman ni Paolo Bugas ng FEU ang Best Midfielder, habang ang iba pang awardees ay sina Jayrah Rocha ng Ateneo (Best Defender), AJ Arcilla ng Ateneo (Goalkeeper of the Year), Jordan Jarvis ng Ateneo (Rookie of the Year),

Nakuha ng De La Salle University ang Fair Play award.

JARVEY GAYOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with