^

Pang Movies

Pero Pinoy artists ‘di na pinag-iinteresan , concert ng mga dayuhan laging jam-packed!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Minsan nakakalungkot kapag nakikita mo kung papaano magkagulo ang mga tao sa mga foreign acts, o concerts ng mga dayuhan. Ipinagmamalaki pa nila ang pagbabayad ng libu-libong piso para mapanood lamang ang mga iyon, sa pana­hong tulad ngayon na may kahirapan ang buhay dahil sa inflation. Pero ang kakatuwa pa, habang malalaking hits iyang concerts ng mga dayuhan, iyong mga local artists natin ay walang concerts. Mayroon pang kagaya noong nangyari sa concert ni Jim Paredes sa CCP na nalugi matapos na hindi mabili ang mga tickets, at iyong nakabiling una, nagsauli pa.

Bakit nangyayari ang ganyan ngayon? Talaga bang nangingibabaw sa mga Pilipino ang kaisipang kolonyal at mas gusto nilang tangkilikin ang mga dayuhan kaysa sa mga kababayan nila?

May panahon na mas nangibabaw ang mga singers na Pilipino at tinatangkilik ng mga tao iyang OPM (Original Pilipino Music). Iyon ang panahong mas malakas ang benta ng local recor­dings kaysa sa international. Iyon din ang panahon na kabi-kabila ang concerts ng mga Filipino ar­tists. Pero bakit nawala iyon?

Una, hindi na masyadong gumagawa ng mga album ngayon ang mga producer dahil sa piracy. Ikalawa, naniniwala sila na dahil ang music industry ay pinasok na rin ng malalaking networks, nawalan sila ng pagkakataon na mai-promote ang kanilang mga plaka. Natural uunahin ng networks iyong sa kanila. Kagaya rin ng pelikula, basta hindi gawa ng kumpanya ang pelikula ng network, mahihirapan ka sa promo at kahit na nga sa advertising sa telebisyon.

Ang isa pang dahilan, walang nakakapasok na mga baguhang talent dahil sa ginagawang proteksiyon ng mga beteranong performers sa kanilang sariling interests, eh ang hindi nila napapansin, sawa na ang mga tao doon sa mga performer nating matatanda na. Ibang henerasyon na ang mga kabataan ngayon at dahil hindi sila maka-identify sa mga beteranong singers, bumabaling sila sa mga dayuhan na sa palagay nila ay kasabay ng kanilang panahon.

Noon naghahanap sila talaga ng mga performer at mga musician kaya masigla rin ang industriya. Ngayon wala na iyon, kaya bagsak din naman sila.

Mga anak ni Kris super love ang partner ni James

Nag-celebrate ng eighth birth month si Baby MJ, ang anak ng cager na si James Yap at ng kanyang girlfriend na si Michela Cazzola. Talagang nagpahayag si James na masayang-masaya siya ngayon sa kanyang buhay. Talagang in love siya kay Michela. Kasama niya ang kanyang anak na si MJ.

Maski naman si Kris Aquino, umaamin na mahal ng kanyang mga anak si Michela. Kung iyong mga anak niya kasundo si Michela eh, magtataka pa ba kayo kung bakit talagang na-in love sa kanya si James at hindi sila nagka­kagulo kagaya noong ang kasama niya ay si Kris?     (sundan sa pahina 5)

MTRCB may inspeksiyon sa mga terminal

Mag-iinspeksiyon daw ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) sa mga bus na biyaheng probinsiya, para matiyak na ang ipalalabas nilang video ay rated G lamang.

Mag-iikot daw sila sa terminal, eh ‘di wala rin. Habang nasa terminal, ni walang video na inilalabas ang mga bus. Nagsisimula silang mag-video kung nasa expressway na sila. Hindi lamang rated R na mga video ang ipinalalabas, karamihan pa ay pirated copies ng pelikula.

Para mahuli mo iyan, kailangan nakasakay ka. Eh iyan namang mga miyembro ng MTRCB, sumasakay ba iyan sa bus? Iyong napakaraming deputy nila, gumagawa ba ng report, o nanonood lang ng sine nang libre?

Mag-isip nga kayo.

JIM PAREDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with