SMBeer angat sa 3-1
MANILA, Philippines - Nakuha ng San Miguel ang 3-1 kalama-ngan sa kanilang best-of-7 championship series ng Barangay Ginebra matapos ang 94-85 panalo sa Game 4 kagabi sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.
Lumagok si reigning MVP June Mar Fajardo ng double-double na 20 puntos, 13 rebounds at tatlong assists habang nagsumite rin si Marcio Lassiter ng 20 puntos, tatlong boards at apat na assists para banderahan ang Beermen.
Malakas rin ang suporta ni Chris Ross na may 17 puntos, siyam na assists at apat na rebounds gayundin si Alex Cabagnot na nagdagdag ng 13 markers.
“I just tried to be aggressive. It’s the finals there’s no room for fatigue. We’re just taking it one game at a time. We will come out on Sunday, play our game, play hard,” wika ni Ross.
Nais ng SMB na masungkit ang ikapitong All-Filipino Cup crown at ika-23 kabuuang titulo ng prangkisa sa liga.
Samantala, nasungkit ng 6’10 center na si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer ang kanyang ikalimang Best Player of the Conference award sa ginanap na awarding rites kagabi bago mag-umpisa ang Game 4.
Ang taga-Compostela, Cebu na si Fajardo ay nakalikom ng kabuuang 824 statistical points (SPs) pagkatapos ng semifinals mula sa kanyang average na 19.4 puntos, 15.2 rebounds at 2.4 block shots at 1.5 assists kada-laro para kumpletuhin ang kanyang dominasyon sa nakaraang tatlong taon.
Nakakuha si Fajar-do ng kabuuang 1,270 votes mula sa media votes, players votes at Commissioner’s office votes.
Dalawang teammates ni Fajardo sa San Miguel Beer na sina Arwind Santos at Alex Cabagnot ang kanyang naging mahigpit na kalaban para sa natu-rang individual award.
Si Santos ay mayroong 619 SPs habang si Cabagnot ay lumikha ng 550 SPs hanggang sa semifinals. - FCagape
- Latest