LeBron-less Cavs pinatumba ng Bulls
CLEVELAND – Hindi naitago ng Cavaliers ang epekto ng hindi paglalaro ni LeBron James.
Wala si James sa Quicken Loans Arena dahil sa strep throat at ang resulta nito ay ang 99-117 kabiguan ng Cleveland sa bisitang Chicago Bulls.
Umiskor si Dwyane Wade ng 20 points at nag-lista naman si Jimmy Butler ng triple-double para sa panalo ng Bulls.
Ayon kay Cavaliers coach Tyronn Lue, hindi niya alam kung kailan maglalaro ang four-time MVP.
Ang Cleveland ay may 4-19 record kapag wala si James simula noong 2014.
Tinalo ng Bulls ang Cavaliers sa kanilang tatlong pagtutuos ngayong season.
Nagdagdag si Wade ng 10 assists at 8 rebounds, habang nagtala si Butler ng 18 points, 10 rebounds at 10 assists.
“Of course, I wanted to play against LeBron,” sabi ni Wade, matalik na kaibigan ni James. “But once we knew he wasn't playing, we had to put that to the back of our mind and focus on playing a team with Kyrie Irving.”
Pinamunuan ni Irving ang Cleveland sa kanyang 34 points, tampok ang 13 of 25 fieldgoal shooting, habang may 14 markers si Kyle Korver.
Nag-ambag din si James Jones ng 14 points para sa Cavaliers, patuloy na naglalaro nang wala sina injured Kevin Love at J.R. Smith.
- Latest