^

Metro

Event organizers oobligahin ng MMDA na magsumite ng Traffic Management Plan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inoobliga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga organizer ng mga events tulad ng rally, fun run at concert, na magsumite sa kanila ng comprehensive traffic management plan upang hindi makadag­dag ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga pa­ngunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

Inanunsiyo ito kahapon ni MMDA General Manager Tim Orbos.

Ayon kay Orbos isa sa layunin ng hakbangin ay upang matiyak ang bilang ng mga traffic enforcer na itatalaga sa mga lugar na apektado ng fun runs, rallies at concerts.

Sinabi ni Orbos, kailangan aniyang magsumite sa kanila ng comprehensive traffic management plan ang mga organizer isang linggo bago maganap ang  kanilang events.

Partikular na  tinukoy nito ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA lalu na sa area ng Cubao patungong Buendia.

Kung saan nitong nakaraang Martes, hindi aniya inimpormahan ang ahensiya sa isinagawang major concert sa Araneta Coliseum.

Matatandaan, na noong nakaraang taon, nabatid na  ang Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA, na kinabibilangan ng mga Metro mayors ay nag-isyu ng  Resolution Number 16-07 para sa regulasyon hinggil sa  pag-o-orga­nize ng mga fun run at iba pang events sa Roxas Bou­levard.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with