Fire prevention month inagahan
MANILA, Philippines - Maagang sinimulan ng Bureau of Fire Protection-NCR ang Fire Prevention Month na idinedeklara tuwing Marso matapos umakyat na sa 259 ang insidente ng sunog mula Enero ngayong taon kumpara sa 400 at 300 insidente ng sunog noong 2016 at 2015.
Sinabi ni BFP-National Capital Region Fire Director Senior Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tui na inilunsad ng kanilang tanggapan ang “Lingguhang Babala para Iwas Disgrasya (Weekly Warning to prevent disaster)’’ sa layuning mapababa ang insidente ng sunog.
Sa tala ng BFP-NCR, lumabas na ang karaniwang dahilan ng sunog ay kawad ng kuryente, upos ng sigarilyo at naiwang bukas na kalan tulad ng sulo, pagluluto, kandila at gasera.
Humingi din si Tiu ng kooperasyon at tulong sa mga barangay officials sa pagmamanman sa traffic sa panahon ng may nagaganap na sunog upang bigyang daan ang mga nagmamadaling bumbero na makaresponde para maapula ang apoy.
Nagpaalala din ang opisyal sa publiko na gamitin ang emergency number 911 o tumawag sa malapit na fire station para sa tulong sa panahon ng fire emergencies.
Related video:
- Latest