Dayan kinasuhan sa DOJ
MANILA, Philippines - Bunsod umano nang pagbalewala sa ipinadalang summon ng House Committee on Justice ay pormal nang sinampahan ng reklamo ng mga kongresista sa Department of Justice ang dating driver at lover ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Iginiit nina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa complaint-affidavit na ang pagbalewala sa kautusan ng Kamara ay malinaw na paglabag sa batas.
Una nang kinasuhan si De Lima dahil sa pagpayo nito kay Dayan na huwag sumipot sa mga pagdinig ng lupon sa Kongreso dahil baka mapagtawanan lang daw sila ng mga mambabatas.
- Latest