De Luna runner-up sa Japan 9-Ball
MANILA, Philippines - Yumukod si Filipino cue artist Jeffrey de Luna kay Taiwanese Ko Pin-yi, 3-11 sa finals para makuntento sa runner-up trophy ng 49th annual All Japan 9-Ball Championship 2016 (World Pool-Billiard Association rated event) noong Miyerkules sa Archaic hall sa Amagasaki-city, Hyogo, Japan.
Nakapasok si De Luna sa finals makaraang talunin si Chang Yuan ng Taiwan, 11-7 sa semis habang binigo ni Ko si Thorsten Hohmann ng Germany sa iskor na 11-8.
“Masayang-masaya po ako nakapasok ako sa finals kasi walang tumimbang na Pinoy sa world event sa taong ito,” sabi ni De Luna.
Ibinulsa ni Ko ang premyong $25,000, habang tinanggap ni De Luna ang $12,000.
Bagama’t sumegunda lamang ay kuntento na ang asawa ni De Luna.
“Humble yourself and always be grateful to God,” wika ni Ian, nakatakdang manganak sa susunod na taon.
“Inspire maglaro asawa ko kasi next year isisilang na ang pang-apat na anak namin,” dagdag pa nito.
Nauna nang pinatumba ni De Luna si Toru Kuribayashi ng Japan, 11-6 sa Round-of-64 matapos sunud-sunurin ang mga kapwa Pinoy na sina Ramil Gallego, 11-6 sa Round of-32; Warren Kiamco, 11-8, sa Round-of-16; at Dennis Orcollo, 11-6 sa Round-of-8.
- Latest