Bumanat si Rose
NEW YORK – May pagpipilian si Derrick Rose: ang mainit na si Kristaps Porzingis o ang malamig na si Carmelo Anthony.
Wala siyang pinili, siya na mismo ang nagkusa.
Pumukol si Rose ng go-ahead basket sa hu-ling 3:15 minuto ng laro at tumira ng jumper sa huling 6.8 segundo ng labanan upang igupo ng New York Knicks ang Portland Trail Blazers 107-103 nitong Martes ng gabi.
“I’m not here to bust or brag but I’m used to being in positions where I have the ball in my hand, playing in Chicago,” pahayag ni Rose. “I’ve really played like that my entire life, through grammar school, high school, college and here.”
Nagposte si Por-zingis ng 31 points at nine rebounds at umiskor si Rose ng anim sa kanyang 18 points sa stretch. Nagposte si Brandon Jennings ng 11 assists off the bench nang ipanalo ng Knicks ang kanilang ikalimang sunod na home game.
“That’s why we came here,” sabi ni Jennings. “We came here to win.”
Sa Atlanta, nagtala si Tim Frazier ng 21 points at 14 assists, nagdagdag si Terrence Jones ng 17 points at ipinanalo ng New Orleans Pelicans para sa 112-94 panalo sa Atlanta na kanilang ikatlong sunod na panalo.
Muling naramdaman ng Pelicans ang takot na mawala si Anthony Davis nitong Martes ng gabi nang magtamo ng injury ang kang franchise player sa kanang tuhod sa paghahabol ng bola sa stands sa kanilang laban kontra sa Atlanta.
Nanatili ang NBA’s leading scorer sa locker room sa natitirang bahagi ng first half. Hindi alam ng Pelicans kung kailan siya makakabalik dahil sa nabugbog na tuhod pero negatibo naman sa panganib ang resulta ng X-rays. Bumalik sa laro si Davis sa fourth quarter.
Nagka-injury si Davis matapos mapiling Western Conference Player of the Week dahil sa kanyang average na 33.7 points at 13.7 rebounds sa tatlong laro.
- Latest