^

PSN Opinyon

Ano’ng klaseng armas ang bibilhin mula China?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISA’T ISA ang trato ni President Rody Duterte sa diplo­masyang panlabas, anang mga kritiko. Sa pakikipagkaibigan niya sa China at Russia, nilaglag niya ang United States at European Union. Hindi ito malayang pata­karang panlabas, kundi pagsasara ng pinto sa isang grupo ng mga kaibigan para papasukin ang isa pang grupo.

Inanunsiyo ni Duterte na bibili siya ng combat-utility helicopters mula sa Russia. Tiyak hindi ito aakma sa marami nang choppers at spare parts ng Sandatahang Lakas mula sa US at EU. Maaaksaya ang pera, ani dating­ President Fidel Ramos, na kumumbinsi kay Duterte na kumandidatong Presidente.

Bibili rin ng armas mula sa China, ani Duterte. Ano kayang klase ng mga armas ito? Ano pa man, tiyak na palpak ito. Kilala ang China sa substandard na materyales at labor. Hindi ito maiiba sa mga tren na binili ng MRT-3 mula sa China: maninipis ang bakal, makikitid ang upuan, at hindi man lang kinabitan ng signaling at tinesting nang 5,000 km na saad ng kontrata.

Malamang mangyari sa Pilipinas ang sinapit ng Indonesia, na bumili ng missiles mula sa China. Ganado ito tinesting ni President Joko Widodo, kasama ang mga hepe ng kanyang sandatahang lakas at navy, sa isang military exercise ng 37 barko. Pinaputok ang unang missile. Supot! Hindi ito nag-takeoff mula sa launching pad. Tapos, habang nagliligpit na ang mga sundalo, bigla itong lumipad, pero hindi umabot sa target na lumang barko. Ni-launch ang ikalawang missile. Mintis! Hindi ito umabot sa parehong target, at bumagsak at sumabog malapit sa pinanggalingan. Buti na lang hindi nasabugan sina Widodo at mga heneral. Kundi ay ang laki sanang kahihiyan.

Nabalitaan kaya ni Duterte at mga advisers ang pangyayaring ito?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with