^

Probinsiya

Trike driver dinedo ng kabarong driver

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Napatay ang 32-anyos na traysikel driver matapos itong pagpapaluin ng kahoy ay ginulpi at napatay ng kapwa drayber na kapitbahay sa Barangay General Luna sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, noong Biyernes ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital ang biktimang si Jesus dela Virgen, 32, tricycle driver, ng nasabing barangay habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Alvino “Vino” Gamboa, 23. Nabatid nakaupo sa labas ng bahay ang biktima nang lapitan at pagpapaluin sa ulo hanggang sa mapahiga ito sa kalsada. Gayunman, binugbog pa ng suspek ang biktima saka tumakas. Pinaniniwalaang agawan sa pasahero sa traysikel ang isa sa motibo ng suspek para isagawa ang krimen.

vuukle comment

DINEDO NG KABARONG DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with