^

True Confessions

Ang Magkakapatid (25)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAG-AALALA si Karla sa kalagayan ng magkapatid. Hindi dapat ipagwalambahala ang isinumbong sa kanya ni Ada. Baka kung ano ang balak ng lalaki kaya pabalik-balik sa stall ng magkapatid. Baka mayroong masamang balak kay Ada. Usung-uso ang pangingidnap ngayon sa mga menor-de-edad at saka ipagbibili sa mga foreigner. Mayroong ginagamit sa cybersex crime. Pagagamitin ng droga ang kinidnap at saka kukunan ang malalaswang bahagi ng katawan at ibebenta sa mga dayuhan. Maganda si Ada kaya hindi kataka-taka kung matipuhan siya.

Kaya nga ang mahigpit niyang bilin kay Ada ay agad na sabihin sa kanya sakali at makita uli niya ang kahina-hinalang lalaki.

Pero lumipas ang mga araw, walang isi­numbong si Ada o Ipe tungkol sa misteryo-song lalaki na nakita  nila noon sa palengke.

Hanggang sa mag-conclude si Karla na maaaring may hinahanap lang ang misteryosong lalaki kaya pabalik-balik sa tapat ng stall ng magkapatid.

Nawala ang pag-aalala niya. Sa totoo lang, parang anak na niya sina Ipe at Ada kaya ganun na lamang ang pangamba niya kapag may mga nababalitaan siyang hindi maganda. Noong namatay si Anna Rose, lihim niyang nausal sa harap ng bangkay nito  na hindi pababa-yaan ang magkapatid. Naipangako niya na puprotektahan sina Ipe at Ada kahit ano ang mangyari.

NAWALA o nalimutan  na nina Ipe at Ada ang tungkol sa lalaki. Hindi na kasi nila ito nakita mula noon.

Hanggang sa lumipas ang isang taon at ga-graduate na ng high school si Ipe. Nakakuha na siya ng entrance exam sa isang sikat na unibersidad at naghihintay ng resulta.

Naging subsob siya sa pag-aaral sapagkat kasama siya sa honor roll. Sa hapon, pagkatapos ng klase ay kailangan niyang mag-library para mapaghandaan ang mga report na kailangan ng katulad niyang ga-graduate. Hindi niya hinahaya­ang bumaba ang kanyang grade. Kahit na pagod na pagod siya sa pagtitinda sa palengke, humahataw siya sa klase.

Hangang-hanga ang kanyang adviser kung paano nagagawa ni Ipe na makipagtagisan ng talino sa mga kaklase gayung nagtitinda pa ito sa palengke.

“Tiyaga lang po at determinasyon, Mam,” sabi niya nang tanu-ngin siya ng adviser. “Wala po kasing ibang tutulong sa aming magkapatid kaya nagsisikap kami pareho.’’

Napatangu-tango ang mabait na adviser. Lalong humanga kay Ipe.

“Sige, Ipe, ipagpa-tuloy mo ‘yan. Nakikita ko, mayroon kang magandang marara-ting. Good luck.’’

“Salamat po, Mam.’’ (Itutuloy)

ANG MAGKAKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with