Isa pa nga!
Hindi ko na maalala kung kelan huling nag-champion ang Ginebra.
Kelangan ko pa magtanong. Nung 2008 daw.
Eh walong taon na pala ang lumipas nang ipanalo ng Ginebra ang PBA Fiesta Cup, isang conference na may imports.
Si Jong Uichico pa ang coach ng Ginebra.
Isipin mo na nung 2008 ay si GMA pa ang Presidente natin.
Ganun katagal na.
Sabi nga ng PBA expert na si Gerry Ramos, nasa high school pa lang si Scottie Thompson ng Ginebra at nasa Alaska pa si LA Tenorio.
Si Mark Caguiao at Jay-Jay Helterbrand ang nasa harapan ng atake ng Ginebra kasama sila Erik Menk at Ronald Tubid. Si Chris Alexander ang import nung talunin ng Ginebra ang Air21 ni Arwind Santos sa finals.
Walong taon na ang nakalipas.
Malaki na ang mga batang pinanganak nung 2008.
Kunin na kaya ng Ginebra ang titulo ngayong gabi kontra sa Meralco?
Kung tatanungin mo ang Ginebra fans, dapat lang. Dahil kung hindi, pupunta tayo sa Game 7 at back to square one.
Delikado sila sa Meralco pag umabot ng Game 7.
Puro dikit ang mga laro sa finals nitong Governors’ Cup. Parang naglaro ng ping-pong ang dalawang teams sa apat na laro.
Meralco. Ginebra. Meralco. Ginebra.
Nadalawahan ng Ginebra ang Meralco nung Linggo kaya ito lumamang ng 3-2.
Malinaw na nasa Ginebra ang momentum mamayang gabi.
Kaya dapat lang ay kunin na nila ang panalo.
Yan ang wish ng Ginebra fans.
- Latest