^

Headlines

Nakabibinging katahimikan at katotohanang dapat harapin

Panaginip Lang - The Philippine Star

UNA, ang Scarborough Shoal ay super lapit sa atin at noon pa man ay parte na ng ating bansa. 

Pangalawa, ang Spratly Islands ay pinag-aagawan din ng iba’t ibang bansa pero kung tititigan nating mabuti sa mapa ay malinaw na pag-aari rin ng Pilipinas. 

Pangatlo, meron tayong kasunduan sa United States na nagsasabing kapag napalaban ang isa ay magkakaroon ng alyansa agad laban sa kalaban ng sinuman sa US at Pilipinas. 

Pang-apat, mahirap tayong bansa ngayon at ang China ay isang maunlad at makapangyarihang bansa    na parang siga na pinagtutulakan tayo at inaagawan        tayo ng parte ng ating lupain. 

Panglima, bugbog sarado tayo kung tuluyang mauuwi sa bakbakan ang agawang ito dahil wala tayong pantapat sa kanila maliban lamang kung tutulungan tayo ng mga Amerikano. 

Pang-anim, wala tayong fighter jets ni isa at ang mga barkong pandigma natin, ultimo itong BRP Gregorio del Pilar ang pinakabago nating barko na binenta sa atin ng mga Amerikano ay panahon pa ng giyera sa Vietnam ginamit. Sa madaling salita, pinaglumaan tapos binenta pa sa atin ng mga Kano. 

Lahat ho ito ay katotohanan lamang. Kailangan nating ipaglaban ang ating lupain dahil kung bumigay tayo ay paghahati-hatian tayo ng mga karatig bansa at walang tutulong sa atin. Ang Amerika bagama’t nag-iingay noon tungkol sa China ay biglang nanahimik. Katahimikang nakakabingi at dahilan nito ay tinitimbang din nila ang makukuha nila sa China kumpara sa atin. Masama ang ekonomiya nila, puro sila utang sa China. 

Dahil diyan, isa ang dapat nating gawin at fastbreak dapat. Magkaisa at umunlad upang hindi tayo maapi. Bumangon tayo at magtulungan bago magkalansag-lansag ang ating bansa. Wala tayong aasahan kung hindi ating sarili, lahat ng iba, sariling interest ang uunahin at kasama na riyan ang Kano, China at ultimo mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nation. 

Iyan ang masakit na katotohanan na kailangan nating harapin.

* * *

Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text e mail sa [email protected] 

 

 

AMERIKANO

ANG AMERIKA

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATION

KANO

PILIPINAS

SCARBOROUGH SHOAL

SPRATLY ISLANDS

TAYO

UNITED STATES

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with