^

Headlines

Tax ng mga imported singers gagamitin na lang sa workshops

Veronica R. Samio - The Philippine Star

At least may nangyaring maganda sa industriya ng musika sa pamumuno nina Ogie Alcasid, Mitch Valdez, Jim Paredes, at mga kasama sa ginawa ng gobyerno na pagbibigay ng tax reprieve para masu­portahan ang mga local artist natin na tinatalo ng mga banyagang performers na dumarayo ng bansa para mag-show hindi sa talento kundi sa pamamagitan ng mas mabababang buwis.

Dahil dito tinatalo ang ating mga local shows sa punto ng advertising, promotion, at marketing. Sa pamamagitan ng House Bill # 3787 na ipinasa ni Cong. Teddy Casiño, walang babayarang 10% amusement tax ang lahat ng mga local shows and productions. Bukod dito, ang mga makukuhang tax sa mga foreign show ay gagamitin para maitaguyod ang gastos sa workshops at training ng mga local artists and composers. 

Kris ayaw awayin si Bela

Kahit pinag-aaway sina Kris Bernal at Bela Padilla dahil sa diumano ay pagtatangka ng character ng una na maagaw si Aljur Abrenica sa dapat ay ka-part­ner nito sa serye pero nalagay sa a­la­nganin dahil sa pag­kadaragdag nga ni Kris sa serye.

 “Okay kami ni Bela, we’re friends. Nagkukulitan nga ka­mi sa set. Mas makulit nga si Bela. Two weeks na lang at matatapos na ang series,” paliwanag ng petite actress na hindi rin maipaliwanag kung bakit kinailangan pang ilipat ang timeslot ng Machete gayung magtatapos na rin pala ito.

Magagaling kumanta sa ibang bansa kumikita

Nakakahinayang na napakaraming magaga­ling na singer sa ating bansa pero ang dami nilang hindi nabibigyan ng pagkakataon na sumikat. Marami sa kanila ang nag-a-abroad na lamang dahil walang ma­pagpuwestuhan dito. May tatlo nga tayong malalaking istasyon ng telesbisyon pero pawang mga contract artists nila ang napapanood na kumanta. Kaya ‘yun at ‘yun ding mukha ang nakikita’t nariring ng mga manonood.

Sa radyo naman ay bihirang ma­­karinig ng mga singer na kumakanta ng live.Mga albums na lamang na gawa ng mga malalaking recording companies ang pinatutugtog. Kung baguhang singer ka at na­ka­pag-recording nga pero pipitsugin ang recording com­pany na gumawa ng album mo malamang, hin­di nila makaya ang gastos para ma-promote ang album mo. Ipagdasal mo na lamang na makapag-abroad ka dahil maibebenta mo ang records mo sa mga lugar na kakantahan mo.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-judge sa recital concert ng People’s Music Training Center. Kasama ang mga sikat na composers na sina Mon del Rosario at Snaffu Rigor, pinili namin sa kalipunan ng mga nag-recital ang tatanghaling most outstanding students ng nasabing traning center na pinatatakbo ng mga kaibigan kong sina Rene Reyes at Bing Adorna, mga dati ring entertainment writer pero mas ibinuhos na ang kanilang panahon at konsentrasyon sa pagsasanay ng mga mahilig kumanta.

In fairness, mahuhusay ang graduates nila. Hindi mo aakalain na kahit nasa level 1 pa lamang ang mga recitalists ay nakakakanta na sila ng maayos na parang mga professional singers. May mga kinakabahan at sa sobrang excitement ay tinatalo ng nerbiyos ang galing sa pagkanta. Pero kakaunti sila kumpara sa maraming sa kabila ng kabataan ay puwede mo nang isalang sa mga guestings at hindi ka mapapahiya.

Unanimous kaming tatlong judges sa pinili naming most outstanding, ang 18 years old na si Jhonavel Morante.

Magaling din ang runner up niya na si Mariezane Vitto, 16 years old. Nakakahinayang kung sa galing na ipinamalas niya ay maging libangan lang nila ang pagkanta at hindi maging propesyon.

ALJUR ABRENICA

BELA PADILLA

BING ADORNA

HOUSE BILL

JHONAVEL MORANTE

JIM PAREDES

SHY

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with