Mag-ingat ka sa sinasabi mo!
Ni Raymond Lester T. Brieva
ISANG balong malalim, punumpuno ng patalim. Ito ay isang bugtong na ang literal na kahulugan ay ang ating bibig. Bakit? Sapagkat ang bibig ng tao ay isang sensitibong bahagi ng kata-wan na maaaring makabuo o di kaya’y makasira sa dignidad ng ating pagkatao. Kailangan nating maging maingat sa bawat sa salitang ating bibitawan. Tiyaking ito’y mabuti nang hindi maka-sa-kit ng kapwa. Higit na karapat-dapat kung ang sasabihin ay makatutulong sa pag-unlad ng sarili at ng ibang tao.
Narito ang kuwento ng ating pangunahing tauhan na si Dorina, isang pusa.
“Ha-ha-ha… tingnan mo ‘yong ibon, oh! Ang pangit ng kan yang mga balahibo at ang dumi-dumi pa niya. Kadiri talaga,” pamimintas ni Dorina sa isang maya.
“Naku, mga amigang pusa, alam n’yo ba na kinuha ako ni Nanay ng magarang damit at mga pampaganda sa aking mukha. Ang gaganda nito at bagay na bagay sa akin. Lalo akong nagmukhang prinsesa,” pagyayabang na wika ni Dorina sa mga kaibigang pusa na akala’y naiinggit sa kanya.
Isang umaga…
“Inay, Meow, Meow!” sigaw ng pusa. Isusunod na sana ni Dorina ang pagmumura at masamang salita nang mayroon siyang naramdamang mga bagay na gumagalaw sa kan- yang mga lalamunan.
“Zzzh!! ZZSh…”
Mga langaw ang lumalabas mula sa bibig ni Dorina.
“Hu-hu-hu… meow… zzh!” malungkot na daing ng pusa. Ganoon na lamang ang kanyang sindak. Kaya hindi na siya nagbuka ng bibig sa buong maghapon.
Napanaginipan ni Dorina ang tungkol sa sumpang ibinigay sa kanya ng Diwata ng mga pusa na si Lourdes at napagtanto niyang ang dahilan kung bakit lumalabas ang mga langaw sa bibig ay ang kanyang bisyong pagsasalita nang masama at nakasasakit sa kapwa.
Kinabukasan, sinikap niyang hindi na magsalita nang masama, mamintas ng kapwa, magyabang at kung anu-ano pa. Bagama’t noong simula’y lubhang naging mahirap para kay Dorina, nang lumaon ay nagtagumpay din siya. At siyempre, wala nang mga langaw na lumalabas mula sa kanyang bibig dahil mabango at malinis na ang kanyang paraan ng pagsasa-lita at pakikitungo sa kapwa, pusa man o sa ibang hayop. Sino kaya ang pusang ito? Suriin natin ang ating mga sarili… Hindi kaya katulad ng ugali niya ang mga kilos at asal mo?
(Si Raymond Lester, ay 15 taong gulang at nakatira sa Tondo, Manila. Nagmula sa San Isidro, Nueva Ecija. Ang kanyang e-mail: raymond_brieva@yahoo.com)
* * *
Sa Luneta: Mga kababata ni Pepe Rizal
Isang araw, namasyal ako sa Luneta
Malungkot pagkat ako’y nag-iisa
Kaya’t naupo ako sa tabi ng ibang kabataan
Na nasa lilim, pawang masaya at nagkakantahan
Pinagmasdan ko ang mga magkasintahan
Magkahawak-kamay at laging nagtitinginan
Pinakinggan ko din iyong mga kumakanta
Masiglang umaawit sa saliw ng gitara
Sa di-kalayua’y nakita ko ang isang taong pamilyar
Kay tagal na niyang nakatayo, at sa ami’y nakatanaw
‘Di niya ininda ang matinding init ng araw
Ay! ‘Di pala tao kundi rebulto pala ni Rizal
Pinagmamasdan siguro niya kaming mga kabataan
Kaming kabataan na pag-asa nga ban g bayan?
Kaming kabataan na di na alam kung saan patungo
Pepe! Bumaba ka nga d’yan at kami’y gabayan mo!
Natural, hindi siya bababa sa kanyang kinatatayuan
Ngunit sa kanyang asta, tila siya’y nananawagan:
“Aking mga kababata, mahalin ang sarili, bayan at wika…
…dahil ang pag-asa ng bayan ay hindi mga isda!”
— JOSEPH CONRAD Q. ISIDRO
BS-Computer Engineering,
University of Regina Carmeli
Malolos, Bulacan