^

Headlines

'Babae, Mahalaga Ka!'

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

INUMPISAHAN kamakailan ng Department of Health at MSD (Merck, Sharp & Dohme) and kampanya laban sa cervical cancer o kanser sa kuwelyo ng matris. Pinamagatan itong “Babae, Mahalaga Ka!” para ipaalam sa publiko na ang cervical cancer ay nakamamatay at dapat nating bantayan.

Sa Pilipinas, ang cervical cancer ang pangalawang sanhi ng pagkamatay mula sa kanser sa kababaihan. Nangunguna ang breast cancer. May 10 babae ang namamatay sa cervical cancer bawat araw.

Ano ang sanhi ng cervical cancer?

Heto ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng cervical cancer ang mga babae:

1. Impeksiyon sa human papilloma virus (HPV), isang uri ng STD.

2. Hindi nagpapa-check up ng Pap’s Smear. Pumunta sa inyong OB-gynecologist para magpagawa nito.

3. Nagkaka-edad. Ang mga babaing lampas 40 ang nagkakaroon ng cervical cancer.

4. Naninigarilyo. Masama talaga ang sigarilyo at naka­pagdudulot ng cervical cancer.

5. Matagal na paggamit ng birth control pills.

6. Marami ang naging anak. Kung lampas sa apat ang dami ng inyong anak, magpasuri sa doktor.

Paano iiwas sa HPV infection?

Sa mga nabanggit na sanhi ng cervical cancer, dapat ingatan ang impeksyon sa HPV. Ito ay nakukuha ng babae kung nakikipagtalik siya sa iba’t ibang lalaki. Lumilipat-lipat kasi ang bacteria at virus habang nagse-sex. Siguro kung dalawa o tatlo ang boyfriend mo, marami na iyan. Puwede kang tamaan   ng HPV.

Ayon kay Ms. Lilet Driz-Potenciano, Senior Manager ng MSD, may bakuna na ngayon laban sa HPV infection.

Ito ay ang Gar­dasil na puwe­deng ibi­gay sa mga ba­bae edad 9   hang­gang 26. Ang baku­na ay nag­kakahalaga   ng P5,100 bawat inik­siyon at tatlong beses itong bini­­bigay para ma­proteksyu­nan kayo.

Kung gusto n’yong ma­laman ang tungkol      sa Gardasil, pumunta sa inyong OB-gynecologist   at sila ang magpapali­wanag sa inyo. Good luck po.

* * *

E-mail: [email protected]

ANO

CANCER

CERVICAL

DEPARTMENT OF HEALTH

MAHALAGA KA

SA PILIPINAS

SENIOR MANAGER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with