"Si Mrs. Susan Roces-Poe"
NAPANOOD KO SI SUSAN ROCES-POE SA ANC NA INI-INTERVIEW NI KORINA SANCHEZ NG ONE-ON-ONE.
Susan was beautiful as ever. More than her pretty face, she was sharp, witty and intelligent in her answers. Mahinahon ang mga sagot niya sa mga tanong ni Korina. Inabangan ko ang palabas na yun na talaga namang kakaibang Susan ang nakita ng bayan. Ibang-iba sa Susan na galit na galit na humarap na hinihingi na magresign si President Gloria Macapagal-Arroyo dahil "You stole the presidency not only once but twice…" ayon kay Susan.
Lalong lumabas ang galing ni Susan dahil na rin sa galing ng nag-iinterview. Iba talaga si Korina Sanchez. Natural at hindi OA gaya ng isang lady newsreader ng parehong stasyon ang ABS-CBN.
Hindi mo maiiwasang tamaan sa sinseridad na ipinakita ng aktres sa harap ng lahat ng mga manonood.
Mga tanong na deretsahan niyang sinagot gaya ng kung maibabalik ang panahon, pipigilan ba niya si FPJ sa pagtakbo bilang presidente ng ating bayan.
"Nakasama ko si FPJ sa ilang pelikula bilang Scriptwriter. He has a mind of his own. Totoong kapag na set na niya ang kanyang utak sa isang bagay mahirap ng palitan ito".
Ilang beses ko ring nakita na sumali ito sa December Metro Manila Film Festival kung saan ang lahat ay nagsasabi na hindi matatapos ni FPJ ang kanyang pelikula. Subalit FPJ works better under pressure.
Last minute na nga, bukas na ang play date ng pelikula, tinatapos pa nila ang editing, musical scoring o may hinahabol pang eksena sa laboratoryo. But all in all, pagbukas ng sinehan, hindi naantala ang showing dahil FPJ failed to deliver.
Ginusto ni FPJ na tumakbo bilang Presidente sa eleksyon dahil nakita niya na hinihingi ng taong bayan. Nakita nya ang mga resulta at pati na rin ang mga lagda ng kanyang mga supporters na nagmamakaawa na tumakbo si Da King bilang presidente.
Sinabi din ni Susan ang hirap na dinanas ni FPJ ng magpunta ito sa pinakasulok-sulukan ng mga presinto sa malalayong lugar marating lamang niya ang mga tao at makamayan ang mga ito.
Lahat para ng paghihirap niya ay mapupunta sa wala dahil gawa na pala ang resulta ng eleksyon, ayon kay Susan.
Pina-usapan din ang alegasyon nitong si Jonathan Tiongco tungkol sa isyu na sinasabi nitong taong kumoryente kay Mike Defensor na si FPJ daw ay nilason.
Nakangiting sinabi ni Susan na pagkatapos ng ilang buwan, ngayon lalabas itong si Tiongco para sabihin na nilason itong si Da King. Saan naman nakuha nitong (may sayad yata ito) na nilason itong si Da King? Sino ang lumason? Nandun si Congressman Francis Escudero, si Eddie Garcia at mga FPJ staff. Ang gustong palabasin nitong si Tiongco na si Lacson ang nasa likod ng pagkamatay ni FPJ. Katarantaduhan mula sa isip ng isang taong wala sa sariling katinuan(?).
Sinabi rin ni Susan na maliwanag ang mga pahayag ng mga doctor ng St. Luke’s Hospital na si FPJ ay namatay dahil sa BRAIN STROKE.
Sa kanyang pahayag na ito, tinuldukan ni Susan ang mga wild speculations that her husband was poisoned. Maliwanag din sinabi ni Susan na wala siyang balak na himukin ang taong bayan na mag- People Power.
Naalala ko tuloy ang Press Release na ipinadala ng opisina ni Senator Juan Ponce-Enrile.
"No one can dispute the strength of Mrs. Poe’s moral position in the current political crisis. Her moral ascendancy springs not only from the fact that she is the widow of our fallen leader, the late Fernando Poe Jr. More importantly, it springs from her own attributes of intelligence, honesty, dignity and integrity," anang senador.
Iba ang nasa isip ng biyuda ni FPJ ngayon. Para sa kanya, ang gusto niya na lumabas lamang ang katotohanan.
Wala siyang binabanggit kung sino ang dapat maging presidente ng ating bayan.
Pinaka na antig ang aking damdamin ng tanungin siya ni Korina kung meron isang sandali na maibabalik niya sa kanyang buhay ano yun.
Hindi nagdalawang isip si Susan ng sabihin nito na gusto nyang mabalik yung Ika-11 ng December 2004 ng halikan siya ni FPJ ng magpaalam siya na pupunta siya sa kanilang farm.
This moment she wanted frozen in time. Freeze-frame ika nga.
Isang napakagandang interview na sana’y napanood ninyo. Congratulations din kay Ms Korina Sanchez dahil sa kanyang pagka-handle ng interview na yun.
MGA KAIBIGAN NAIS KONG ULITIN para sa mga biktima ng krimen, may problemang legal, mga inagrabiyado o inapi, maari kayong pumunta sa aming tanggapan sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong tumawag sa 6387285, 638-7285 o sa 637-3965-70. MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09213263166.
Ugaliing makinig sa DWIZ 882 Khz tuwing Sabado, 7 to 8 am, "Hustisya para sa Lahat" hosted by Justice Secretary Raul Gonzalez at kasama ang inyong lingkod.
|
E-mail address: [email protected]
- Latest
- Trending