^

Headlines

Editoryal - Huwag kaawaan ang mga 'linta'

The Philippine Star

DATI marami sa mga consumer ang hindi nakaaalam sa power purchased adjustment (PPA). Ano bang klaseng hayop ito? Nang tumagal, nalaman nilang ito ang dahilan kung kaya bakit biglang tumaas ang singil ng Meralco. Mas mataas pa ang singil sa PPA kaysa sa kanilang kunsumo. Unang pinasabog ni dating Sen. Juan Ponce Enrile ang kontrobersiya sa PPA noong nangangampanya pa lamang siya sa 2001 elections pero hindi ito naintindihan ng madla. Natalo si Enrile at nabaon sa limot ang PPA. Kailan lamang namulat ang marami sa bigat na hatid ng hayop na PPA. Ibang klaseng hayop pala talaga ang PPA. Sumisipsip ng dugo.

Kilala na nga ngayon ang hayop na PPA. Pero may mas hayop pa pala sa PPA na sumipsip na nang dugo sa matagal na panahon sa mga consumer. Ito ay ang hayop na independent power producers (IPPs). Ang mga IPP pala ang tanging dahilan kaya nabuhay ang PPA at nakapangsipsip ng dugo. Kung hindi dahil sa mga IPP, hindi mabubuhay ang hayop na PPA.

Ang mga IPP sa isang banda ang nagbigay-liwanag noong 1992 makaraang makaranas ng power crisis ang bansa. Mula 1991 hanggang 1992 ay nakaranas ng araw-araw na blackout sa Luzon. Ito ang pinakamatinding problemang sinagupa ni da-ting President Fidel Ramos. Kinailangan ni Ramos ng tulong mula sa IPPs at nagkaroon ng liwanag ang Luzon, nawala ang blackout at naging normal ang lahat na dinala hanggang sa kasalukuyan.

Pero may depektibong kontrata ang ilan sa mga hayop na IPP. Natuklasan sa pagre-review, 22 sa 35 power supply contracts ay depektibo. Anim lamang umano ang maaaring maipagpatuloy ang kontrata sa gobyerno. Sa natuklasang ito, marami ang nagsabi na ang 22 depektibo ay hindi na dapat ipagpatuloy ang kontrata. Sibakin na kung sisibakin ang mga ito. Maging si President Gloria Macapagal-Arroyo ay nagimbal nang malaman ang naging resulta ng review ng committee sa mga kontrata ng IPP.

Hindi maikakaila na ang mataas na singil sa kuryente dahil sa hayop na PPA ang humila pababa sa rating ni GMA. Marami ang umangal sa bigat ng bayarin sa kuryente. Marami ang nag-alsa-boses. Taliwas nga naman sa pangako ni GMA na bababa ang singil makaraang lagdaan ang Power Reform Bill.

Umakto si GMA at bababa na ang singil sa kuryente sa buwang ito subalit dapat din naman niyang ipursige ang pagsibak sa mga IPP na naging linta sa pagsipsip sa pawis at dugo ng taumbayan. Hindi na sila dapat bigyan ng pagkakataon at panahon. Ibagsak ang palakol upang makasibak.

HAYOP

JUAN PONCE ENRILE

LUZON

MARAMI

PERO

POWER REFORM BILL

PPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with