^

Headlines

Sinasabing anak ni Jericho, ayaw ng ina pakunan ng DNA test

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut - The Philippine Star

Marami ang nagtatanong sa amin kung ano na naman daw ang drama nitong si Kai Palomares at nag-iingay na naman. Para sa kaalaman ng ilang hindi nakakaalam, itong si Kai ay isang dating model na nagki-claim na inanakan daw siya ni Jericho Rosales. Nagsampa ito ng kaso kay Jericho dahil aniya, hindi rin sinusuportahan ng aktor ang sinasabi niyang anak nila.

Naghahabol itong si Kai ng financial support mula kay Jericho. Humigit kumulang na isang milyon ang hinahabol nito sa aktor.

Nakarating na kay Jericho ang isinampang reklamo sa kanya. Nakausap din namin ang isang malapit sa aktor at ayon dito, "Kung anak ni Jericho si Santino (pangalan ng bata), hindi naman niya ito tatalikuran, eh. Ang point lang namin, bakit ayaw pumayag ni Kai na mag-undergo ng DNA test ’yung bata para mapatunayan na mag-ama sila ni Jericho? Napakasimple ng request ni Jericho pero bakit hindi niya mapagbigyan? Kung ma-prove ’yun, mismong si Jericho pa ang gagawa ng paraan para masuklian ’yung mga pagkukulang niya. Hindi niya tatalikuran ’yun."

Hindi namin masisisi ang kampo ni Jericho sa kanilang reaksyon. Kasi naman, usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz na ito raw si Kai ay mayroong kaduda-dudang background. Pinag-usapan din na minsan na itong naging girlfriend ng ilang aktor like Jay Manalo at iba pa. May iba pa ngang kuwento tungkol sa mga pinagdaanan nito.

Kung suporta ang habol ni Kai, walang magiging problema. Kung kami siya, i-prove niya via a DNA test na si Jericho nga ang ama ni Santino. Kapag nangyari ’yun at napatunayan na ang aktor nga ang ama, tiyak na magiging maganda ang takbo ng relasyon ni Santino at Jericho.

* * *

Today, Tuesday ay ang first taping day ni Kaye Abad for Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Yes, pasok si Kaye sa isa sa pinaka-toprating soap opera ng ABS-CBN. Excited ang aktres when told na papasok na siya sa nasabing soap opera. Kakaiba ang karakter ni Kaye sa SDWH kumpara sa Tabing Ilog.

Hindi namin idi-divulge kung paano tatakbo ang karakter ni Kaye sa SDWH basta ang sigurado kami, very exciting ito. This time, walang John Lloyd Cruz na ka-loveteam. Tutal cast din naman ng SDWH si Dennis Trillo na ipini-pair sa kanya.

Ang narinig namin, ang pagpasok ni Kaye sa primetime soap ay preparation for a bigger plans ng network sa kanya. Heard na kung paano’ng plinano ang career nina Claudine Barretto at Kristine Hermosa at gano’n din ang gagawin kay Kaye.

Marami ang natutuwa sa development na ito sa career ni Kaye. Sa totoo lang, isa si Kaye sa masasabi naming pinakamahusay sa kuwadra ng ABS-CBN Talent Center. Medyo long overdue na nga ang developments na ito pero at least, abot-kamay na niya ang pinakaaasam na stardom.

Hindi na siguro matutuloy ang plano ni Kaye na mag-quit ng showbiz ngayong siya naman ang pagtutuunan ng pansin ng kanyang mother studio sa loob ng 7 years. Happy kami para kay Kaye na isa sa mga paborito naming aktres.

* * *

Isang surprise hit ang Videoke King nina Robin Padilla at Pops Fernandez. The movie grossed a cool P8 million sa unang araw nito. Although hindi na rin kami nagduda na kikita nga ang movie dahil bukod sa magandang playdate nito (the movie was show last May 1, Labor Day), maraming first na napanood sa movie especially kay Robin. Pinag-uusapan kung gaano kakwela si Robin sa kanyang role sa movie. Naaliw nang husto ang mga viewers na nakapanood ng movie. One of these days ay panonoorin namin ang movie.

With Videoke King, nakabawi si Robin sa ’di magandang resulta ng ma movies niya prior to the showing of his movies with Pops. Ang lakas sa takilya ng movie ni Robin at Pops ay isang pagpapatunay lamang na malaking factor ang magandang pelikula para pasukin ito ng manonood.

Bukod kina Robin at Pops, gusto naming batiin ang buong cast, Star Cinema at si Direk Jerry Sineneng sa tagumpay ng movie.

* * *

For your comments and feedback, you can reach me at [email protected]

vuukle comment

CENTER

CLAUDINE BARRETTO

JERICHO

KAYE

KUNG

MOVIE

SANTINO

VIDEOKE KING

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with